CHICKEN INASAL USING MAMA SITAS
Mula nang makatikim ako nitong Chicken Barbeque ng mga Ilongo, na-inlove na ako dito. Kaya naman basta may pagkakataon ay kumakain ako nito kasama ang aking pamilya. Gustong-gusto ko kasi yung lasa at timpla nito at syempre yung sawsawang suka na may calamansi, toyo at sili. Samahan mo pa ng garlic rice nanilagyan mo ng chicken/anato oil...winner ang magiging kain mo. hehehe
Hindi na mahirap kumain ng Chicken inasal na ito sa panahong ngayon. Halos nag-kalat ang mga branch ng Mang Inasal sa bawat kanto ng Mega Manila. Bakit naman di tatangkilikin ito ng masa, bukod sa masarap na chicken inasal ay unli pa ang rice. hehehehe. Oy! free adds ito ha.
Last Saturday, may napanood akong cooking show at ipinakita nila at ginamit ang bagong product ng Mama Sita ang bacolod Style Inasal marinade Mix. (Free ads na naman...heheheeh). Same day nung nag-go-grocery naman kami, nakita ko ito at hindi ako nag-dalawang isip na subukan.
Masarap naman ang kinalabasan pwede nyong i-try.
CHICKEN INASAL USIBG MAMA SITAS
Mga Sangkap:
8 pcs. Chicken Legs
1 pouch Mama Sitas Bacolod Style Inasal Marinade Mix
1 tbsp. Achuete Seeds
1/3 cup Cooking oil
Paraan ng pagluluto:
1. Lagyan ng hiwa ang magkabilang side ng chicken legs.
2. Sa isang plastic bag, ilagay ang manok at ang marinade mix. I-marinade ito ng mga 1 oras o higit pa. Overnight mas mainam.
3. Sa isang kawali, pakuluin ang mantika. Ilagay ang achuete seeds hanggang sa kumulas ito. Hanguin ang oil mula sa apoy.
4. Maaring lutuin ito sa turbo broiler o sa ihaw sa baga. Pahiran ng ginawang achuete oil ang manok habang iniihaw o bino-broil.
5. Hanguin kung sa tingin nyo ay luto na at wala nang lumalabas na dugo mula sa buto ng manok.
Ihain na may kasamang suka na may toyo, calamansi at sili.
Enjoy!!!!
Comments