CHILI-GARLIC PRAWN

Ito ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Nag-text kasi ang kapatid kong si Shirley at darating daw sila sa dinner.   Komo naubos nga yung mga pagkain na niluto ko para sa aking mga officemate, nagdagdag pa ako nitong dish na ito at isa pang pasta dish.

Madali lang lutuin ang dish na ito.   As in simpleng gisa-gisa at yun na.   Ang dapat ingatan sa pagluluto nito ay yung tamang dami ng chili-garlic sauce at yung tamang luto lang.   Hindi kasi mainam na ma-overcooked ang hipon dahil tumitigas ang laman nito.   Kung baga, kapag nag kulay red na yung shrimp, maghintay lang ng 1 o dalawa pang minuto at okay na ang niluluto nyo.

Nagustuhan ko ang dish na ito lalong-lao na yung sauce o sabaw.   Malasa kasi siya at masarap ihalo sa mainit na kanin.   Hehehehe


CHILI-GARLIC PRAWN

Mga Sangkap:
2 kilos medium to large size Shrimp or Prawn
1 tbsp. Chili-Garlic Sauce
2 tbsp. Brown Sugar
1 head minced Garlic
1 large Onion (sliced )
1 thumb size Ginger (finely chopped)
2 tbsp. Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter.
2.   Ilagay na agad ang chili-garlic sauce at ang hipon.   
3.   Timplahan na din ng asin, paminta at brown sugar.   Lagyan ng 1 tasang tubig at takpan.
4.  Halu-haluin para ma-coat ng sauce ang lahat ng hipon.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Kung mapula na lahat ang hipon patayin na ang apoy at hanguin sa isang lalagyan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

J said…
Naku magugustuhan ito ng asawa ko! ;-)
Dennis said…
Panigurado yan J. Whats good in this dish is yung pati sabaw ay masarap at malasa. Dapat tamang-tama lang yung chili-garlic sauce na ilalagay.

Thanks J.
zachariketayluz said…
wow favorite ko yan kuya dennis makapamalengke nga gagawin ko yan hehe.
Dennis said…
Try it Zach...for sure magugustuhan yan ng iyong hubby.... Have a great day!!! :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy