COUNTRY STYLE PORK BELLY IN TERIYAKI SAUCE
May nabili akong country style pork belly sa SM Supermarket nitong nakaraang pag-go-grocery namin. Nagustuhan ko yung cut ng pork belly kasi hindi masyadong makapal ang taba at tamang-tama kako na pang-ihaw o barbeque.
BTW, country style pork belly (yun ang nakalagay na label dun sa supermarket...hehehehe) ay simpleng liempo din lang. Ang pagkakaiba lang nito ay wala na itong balat at medyo na trim na ang taba. Okay na okay itong pang-ihaw at pang-stew.
Ayun. Dapat sana nga ay iihaw ko ito. Pan-grilled kung baga. Yun lang nabago ang aking plano ng makita ko ang bote ng triyaki sauce sa aming cabinet. Para kakong tamang-tama ito sa pork belly. At yun na nga. Nabuo ang dish na ito na wala akong sinunod na recipe. Maging ang paraan ng pagluluto ay medyo naiba para na rin sa magandang presentation. hehehehe. Pero wag ka..... masarap ang pork dish na ito. Try it!
COUNTRY STYLE PORK BELLY in TERIYAKI SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Country Style Pork Belly (cut into cubes)
1 cup Teriyaki Sauce
1 head minced Garlic
1 large White Onion (cut into rings)
1/3 cup Soy Sauce
2 tbsp. Oyster Sauce
1 tsp. Cornstarch
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
2 tbsp. Canola oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng konting asin, paminta at 1/2 cup na teriyaki sauce ang hiniwang pork belly. Hayaan ng mga 30 minuto. Overnight mas mainam.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang sibuyas sandali mantika at hanguin sa isang lalagyan.
3. I-prito din ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin din sa isang lalagyan.
4. Sa parehong kawali i-prito hanggang sa mag-brown lang ng konti ang pork belly.
5. Ilagay na ang 1/2 cup pa ng teriyaki sauce, oyster sauce, brown sugar at 1/3 cup na toyo. Lagyan din ng 1 tasang tubig, takpan at hayaang lumambot ang karne. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot pa ang sauce at ang sesame oil.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang piniritong sibuyas at bawang.
Ihain habangt mainit pa.
Enjoy!!!
Comments