FISH FILLET with MILKY BUTTER SAUCE

Ito ang pangatlo sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan kong karawan.   Actually, the last time na nagluto ako nito ay naging disaster.   Napaalat kasi yung timpla ko sa fish fillet at talagang napahiya ako sa kinalabasan.

Naging lesson sa akin ang disaster na yun.   Kaya naman ingat na ingat ako sa isang ito na para pa naman sa aking kaarawan.   Also, gumawa ako ng white sauce na talaga namang puring-puri ng mga naka-kain.   Simple lang yung sangkap na ginamit ko pero labas na labas talaga yung sarap nung nilagay na sa fish fillet.  Kaya nga hindi ako nag-atubili na i-post pa rin ang dish na ito.   At isa pa, marami ang nag-request for a recipe kaya gumawa ulit ako para i-visit na lang dito sa blog.


FISH FILLET with MILKY BUTTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Cream Dory (cut into serving pieces)
1 cup All Purpose Flour
1/2 cup Cornstarch
2 pcs. Egg (beaten)
1 pc. Lemon
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1/2 tsp. Salt
1/2 tsp. ground Black Pepper
1 tsp. Garlic Powder
Cooking Oil for frying
For the sauce:
2 cups Alaska Evap (yung red ang label)
1/2 cup All Purpose Flour
1 pc. Knorr Chicken cube
1/2 cup Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang fish fillet sa katas ng lemon, maggie magic sarap, asin at paminta.   Hayaan ng 1 oras o higit pa.   Overnight mas mainam.
2.   Ilagay ang harina at cornstarch sa isang bowl.   Lagyan ng malamig na tubig at haluin para makagawa ng batter.
3.   Ilagay na din ang binating itlog at timplahan ng konting asin at paminta.   Paghaluing mabuti ang batter hanggang sa lumapot ito at wala nang buo-buong harina.
4.   Ihalo sa ginawang batter ang fish fillet.   Huwag isama ang marinade mix.   Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng batter ang lahat ng piraso ng fish fillet.
5.  I-prito ito (isa-isang piraso) ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at pumula na ang balat.
6.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
7.   For the sauce:    Sa isang sauce pan, ilagay ang butter hanggang sa matunaw.
8.   Sunod na ilagay ang harina at halu-haluin.
9.  Ilagay na din ang Alaska Evap at patuloy ang paghalo .
10.   Ilagay ana din ang knorr chicken cubes at timplahan ng konting asin at paminta.   Hatuloy na haluin.
11.   Maaring lagyan pa ng gatas hanggang sa makuha ang nais na lapot ng sauce.
12.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain ang fish fillet kasama ang milky butter sauce na ginawa.

Enjoy!!!


Comments

Unknown said…
kua dennis bigyan mo naman ako ng recipe ng shrimp tempura pls :)
Dennis said…
Hi DArlyn.... Wala ata akong recipe ng tempura pero camaron rebusado meron. Please check sa archive. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa alam kung papaano nagagawang unat o straight yung hipon na ginagawang tempura. I think dapat mga 5 inches deep yung mantika na pagpi-prituhan. Aksayado naman sa mantika....hehehehe. Hayaan mo pag nagkaroon ng pagkakataon gawa ako nun.

Thanks for the visit.

Dennis
Unknown said…
parang same lang din naman cla..hehe.. ung rebusado nalang ung kinuha kong recipe.. d best kc xa for cocktail party :) plan din namin mag kebab.. any recipe for that?. thank you :)
Dennis said…
Kebab is basically barbeque.....medyo malalaki lang ang hiwa ng kebab at may mga kasama itong onion at bell pepper. Medyo spicy din ito.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy