FOUR CHEESE and BASIL PASTA

Ito ang pangalawang pasta dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Naubos kasi yung una kong ginawa (pesto and bacon pasta) kaya naisipan kong magluto pa ulit para naman sa mga darating pa na bisita.

Kung titingnan mo, parang ordinaryong spaghetti lang ang pasta dish na ito.   Pero wag ka, masarap at kakaiba ang lasa at sarap nito.   Bakit naman hindi?   Four cheese pasta sauce ang ginamit ko dito at nilahukan ko pa ng fresh na basil leaves.   Kaya naman puring-puri na naman ng mga naka-kain ang pasta dish kong ito.

Yun ang maganda sa pasta.   Kahit anong sauce ay pwede mong ilagay.   Kahit nga sardinas pwede.   Kung may natira kang adobo ay pwede din.   Ganun ka-flexible ang pasta.   Kung baga, nasa imagination na lang natin ang pwede pa nating gawin.


FOUR CHEESE and BASIL PASTA

Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta
300 grams Bacon (cut into small pieces)
1 big can Hunts Four Cheese Spaghetti Sauce
a bunch of Fresh Basil Leaves
2 cups grated Cheese
3 tbsp. Olive oil
1 tbsp. Brown Sugar
1 head minced Garlic
1 large Red Onion finely chopped
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang pasta according to package direction.   Huwag i-overcooked.
2.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3.   Isunod na ang bacon at hayaan munang ma-tusta ng bahagya.
4.   Ilagay na ang four cheese spaghetti sauce.
5.   Timplahan ng asin, paminta at brown sugar.  
6.   Ilagay na din ang 1 cup na grated cheese.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ilagay na ang nilutong spaghetti pasta at fresh basil leaves.
8.   Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
9.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natira pang grated cheese.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy