LEFT OVER FRITTATA


Ang laki ng itinaas ng mga bilihin ngayon.   Yung dating mga P3,000 ko na pinamimili dati, ngayon mga P4,000+ na.   Papaano na lang ung maliliit lang ang kinikita talagang hapit ng sinturon ang kailangan.   Kaya nga pag nakikita kong hindi inuubos ng mga anak ko ang kanilang baon, nagagalit talaga ako a kanila at pinagsasabihan.  Buti nga kako sila at masasarap pa ang kinakain, samantalang marami ang nagugutom at walang makain.

Kaya naman ang pag-aaksaya ng mga tira-tirang pagkain ay malaking NO NO sa aming tahanan.   Kung maaari pang isalba o i-recycle ang pagkain ay ginagawa ko.   Halimbawa:   Kung may natira pang piniritong isda, pwede itong i-sarciado para makain pa.   Kung may natira naman pritong baboy o manok, pwede din naman itong i-paksiw.   Nasa sa atin an siguro kung ano ang pwede pa nating gawin sa mga tira-tirang ito.

Ganun ang ginawa ko dito sa tira-tirang kung ano-ano dito sa frittata o torta na niluto ko.   At nang mapagsama-sama ko na, aba isang masarap na pang-ulam pa ang kinalabasan.   Sino magsasabing tira-tira lang ang laman ng frittatang ito?    hehehehe.



LEFT OVER FRITTATA

Mga Sangkap:
Hotdogs (sliced)
Luncheon Meat (cut into small cubes)
Bacon (cut into small pieces)
Longanisa (alisin sa casing)
4 pcs. Eggs beaten
5 cloves minced Garlic
1 large White Onion chopped
2 pcs. Tomatoes (sliced)
2 tbsp. Olive oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kawali igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil.
2.   Ilagay na ang hotdogs, luncheon meat, bacon at longanisa at timplahan ng asin at paminta.
3.   Sa isang bowl, batihin ang itlog at timplahan ng maggie magic sarap.
4.   Isalin sa binating itlog ang ginisang pinaghalong mga sangkap.  halu-haluin.
5.   Ibalik sa kawali ang pinaghalong itlog at mga sangkap.  Ikalat sa paligid ng kawali at hayaang mabuo.
6.   Gamit ang isang flat na plato na mas malaki dapat sa laki ng iyong frittata, itaklob ito sa niluluto at baligtarin ang kawali.   Ibalik na muli o i-slide ang inyong frittata sa kawali para maluyo naman ang kabilang side.

Ihain habang mainit pa kasama ang inyong paboritong tomato o banana catsup.

Enjoy!!!

Note:   Walang mga sukat ang ibang mga sangkap komo mga tira-tira nga lang ang mga iyun.   Kung masyadong marami ang inyong gagawihg frittata, maaring pagdalawahin ang pagluluto nito.

Thanks


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy