PAULINE @ 18 - My Inaanak
Ginanap ang salu-salo sa isang pavillion sa may Sta. Maria, Bulacan. Medyo na-late na nga kami ng dating komo napaka-traffic nung araw at gabing iyun. Siguro ay mga 8:45 na nang gabi nasimulan ang program at ito ay binuksan sa pagpasok ng may kaarawan at ng kanyang pamilya.
Ang larawan sa itaas ang aking kumare at matalik na kaibigan na si Rowena at aking aking kumpare na si pareng Rey. Ang mga proud parents ng debutante
Maskara ang tema ng kaarawan, kaya pati kami ng asawa kong si Jolly ay nag-suot din ng mga maskara na pino-provide naman pagpasok mo sa bulwagan.
After ng introduction sa may kaarawan at sa kanyang pamilya ay nagsimula na din ang picture taking sa mga guest. Ang sistema, by table, pupunta sa pwesto ng may kaarawan sa may stage, picture-picture at ska diretso sa buffet table. Malas namin kasi nasa may bandang likuran ang aming table. hehehehe
Masasarap ang mga pagkaing inihain ng nag-cater. In my plate above, maroong paella, mongolian barbeque, lechon, pork in orange sauce, roast beef at chicken cordon bleu.
Seryoso ang tatlo kong anak habang naghihintay sa pagsisimula ng program. At habang naghihintay, nag-serve naman ng nachos sa mga guest.
Naging pagkakataon din ang okasyong iyun para makita kong muli ang aking mga kababata, kaibigan at klasmeyts nung kami ay nasa elementarya. Sayang lang at konti lang sila.
Mga 11 na nang gabi din ng kami ay naka-uwi na sinabayan ng malakas na ulan habang kami ay nasa daan. hehehe.
Ang isa pang gusto kong i-share sa post ko ito ay pagkaka-ibigan namin ng ina ng may kaarawan na si Rowena. Mula grade 1 hanggang 4th year highschool ay magka-klase kami. 3 bahay lang ang pagitan ng aming mga tirahan kaya kapag may-assignment kami, pumupunta ako sa kanila para humiram ng libro at mag-paturo na din sa assignment. Hindi matatawaran ang samahan namin. Akala nga nung mga relatives ko ay kami ang magkakatuluyan. Masasabing kong para kaming tunay na magkapatid. Kaya naman siguro ako lang ang kinuha niyang ninong para sa kanyang anak na si Pauline. At sa kaarawan ito ng aking ina-anak, ofcourse hindi pwedeng wala ang nag-iisa niyang ninong. hehehehe.
Dalangin ko ang magandang kalusugan at tagumpay pa para sa aking ina-anak na si Pauline. Amen
Comments