PORK EMBOTIDO ni DENNIS



Sa mga probinsya kagaya sa amin sa Bulacan, hindi nawawala ang pork embotido sa mga handaan kagaya ng fiesta, kasal, binyagan at iba pa.   Espesyal na ulam itong maituturing kaya naman tuwing importanteng okasyon lang ito inihahain.

Napansin ko lang, kahit ang paraan ng pagluluto nito ay nagkakaiba-iba pati na rin ang mga sangkap na ginagamit.   But ofcourse ang pangunahing sangkap pa rin dito ang ang giniling na baboy.   Nilalahukan na lang ito ng iba pang mga sangkap para maging masarap at malasa.   Ito ang pan-tapat nating mga Pilipino sa meatloaf ng ibang bansa.

Sa amin sa Bulacan, binabalot ang embotido ng pork lard o sinsal ba ang tawag doon at saka pinapasingawan para maluto.   Sa probinsya ng asawa ko sa Batangas, ibinabalot ang embotido sa dahon at pagkatapos ay ipini-prito.   Yung iba naman binabalot ng aluminum foil at ini-steam pa rin.

Sa version kong ito binalot ko ito ng aluminum foil at saka ko naman niluto a turbo broiler.   Wala kasi akong steamer na medyo malaki para magkasya ang ang embotido.   Pero wag ka, masarap ang kinalabasan ng version kong ito.  Pwedeng-pwede na ihanay sa mga natitikman natin sa mga handaan.   Hehehehe


PORK EMBOTIDO ni DENNIS

Mga Sangkap:
1 kilo Lean Ground Pork
2 cans Vienna Sausages (cut into small cubes)
2 large White Onion (finely chopped)
1 large Carrot (cut into small cubes)
1 cup Raisins
1 cup grated Cheese
2 cup Bread Crumbs
5 pcs. Fresh Eggs
5 pcs. Hard-Boiled Eggs
1 cup Sweet Pickle Relish
1 tbsp. Garlic Powder
1 tsp. Ginisa powder
1 tsp. Maggie magic Sarap
1 tsp. Ground Black pepper
Achuete Oil
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Maliban sa hard-bliled egg at achuete oil, paghaluin ang lahat ng mga sangkap sa isang bowl.   Maaring kumuha ng konti at i-steam o i-prito para matikman kung tama na ang timpla.
2.   Sa isang aluminum foil, pahiran ito ng achuete oil para hindi manikit ang ipapalamang karne.
3.   Lagyan ng nais na dami ng pinaghalong mga sangkap. I-flat at lagyan ng nilagang itlog sa gitna.
4.   I-roll ito at tiyaking siksik ang laman at sarado ang magkabilang side.
5.   I-steam o lutuin ito sa turbo broiler sa loob ng 30 to 45 minuto o hanggang sa maluto.
6.  Palamigin muna bago i-slice o maaring ipirito ng bahagya bago ihain.

Ihain na may catsup o melted cheese sa ibabaw.

Enjoy!!!


Comments

J said…
Paborito ko yan kuya... inii-steam ko naman or niluluto sa broth para juicy. Then yung leftovers ay piniprito hehe.
Dennis said…
Thanks J....actually sa blog mo ko nakuha yung idea na lagyan ng vienna sausage...
i♥pinkc00kies said…
love it. ma-trabaho lang daw gawin so we buy nalang hahaha
Dennis said…
Thanks pinkcookies....yung pag-hihiwa siguro ang matrabaho....pero yung pag-gawa ay hindi naman masyado. Whats good kung ikaw yung gagawa ay yung magagawa mo ito bas on your own taste. YUng nabibili kasi parang ewan lang ang lasa....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy