PROUD @ 45

September 12 is my birthday.   Sa awa ng Diyos 45 years old na ako.  hehehehe (wala nang tawad ha...yan talaga ang age ko..hehehe).   Sa lahat ng aking mga naging birthday celebration, ito siguro ang masasabi kong the best.   Bakit naman?   Nag-umpisa ang celebration 12:20 ng hating gabi ng September 12 at tapos 12:20 ng September 13 naman.   hehehehe.

12:20 ng hating gabi, iginising ako ng aking asawang si Jolly para i-blow ang cute na cake na ito.   Ginising din niya ang aking mga anak para ma-greet sa akin.   O di ba?   Na touch naman ako sa effort na ginawa ng aking mahal na asawa.


Sa kahilingan na din ng aking mga kaopisina ay nagluto ako para sa kanila.   Maaga pa lang ay nag-luto na ako para umabot sa lunch time sa office.   Nagluto ako ng Arroz Valenciana, Fish Fillet with Milky Butter Sauce, Bacon and Pesto pasta, Anton's Chicken, Crab and Cucumber Spring Roll at Graham Ref Cake naman for dessert.
Nasa pict sa itaas ang aking mga staff na nag-effort din para sa aking kaarawan. 

Mga real close friends lang ang aking kinumbida sa birthday blowout na yun.   Nakakatuwa naman at nagpuntahan talaga silang lahat.

After sa office, nagmamadali kami ng pag-uwi dahil may darating din kaming bisita by 2pm.   Dumaan pa ako sa supermarket para bumili pa ng mga rekado na gagamitin ko para sa dinner na handa naman.

Bukod dun sa na mentioned ko na na niluto ko sa itaas, nagluto pa ako ng Chili-Garlic Prawn, Four Cheese and Basil pasta, at crispy pata.

Dumating ang kapatid kong si Shirley at Salve at ang aking mga pamangkin na sina Rochelle at Lea.   Natutuwa ako at nakarating sila sa aking kaarawan.

Konti lang naan ang naging bisita ko sa bahay.   Ang close na kaibigan at kamag-anak lang.   Mga 9:30 ay naka-alis na ang huling bisista.

Bago matapos ang gabi ng aking kaarawan isang movie treat care off Ate Joy ang aming pinuntahan.   Nanood kami ng The Mistress sa Gateway Mall sa Cubao.

Natapos ang aking kaarawan sa isang panalangin ng pasasalamat sa aking Lumikha.  Ipinagpasalamat ko ang buhay na ibinigay niya sa akin...sa mga kaligayahan at kalungkutan na nagpapalakas sa akin....sa mga mahal ko sa buhay na patuloy na sumusuporta....at sa mga tunay na kaibigan na hindi nakakalimot.

Dalangin ko na sana ay bigyan pa ako ng mahabang buhay para sa mga taong ito na mahal na mahal ko.

Amen.

Comments

Anonymous said…
Happy birthday po! Many, many more to come. Mukhang ang sarap ng mga handa niyo Sir! Sana one of these days makatikim ako ng luto niyo. Pag sinuwerte po, magpapa-cater ako sa inyo, hehehe.God bless you!..... Mommy Marie
Dennis said…
Thanks Mommy Marie.....Kung pwede nga lang na mapatikim ko ng aking mga niluluto ang lahat ng follower ko sa food blog kong ito ay ginawa ko na. Siguro in the near future its a good idea na mag-set ng isang eyeball para sa lahat ng follower ng blog kong ito. What do you think?
Anonymous said…
That's a very good idea Sir! I know all your other followers like me would like to experience first hand how good your cooking is. As I commented in your other posts, ang gusto po namin sa blog niyo is how simple and accessible your recipes are. Yung hindi mahal at madaling hanapin o nasa pantry lang kaya hindi nakakatamad basahin. Thanks Sir and pag po nagka-chance and God willing, an eyeball would be good....Mommy Marie
zachariketayluz said…
Happy b-day Kuya Dennis!!! Bigyan ka pa sana ni Lord ng mahabang buhay, good health at more blessings. at sana more recipe's to come di kami nagsasawang basahin itong blOG mo dito kami kumukuha ng idea at inspirasyon sa pagluluto maraming salamat kuya dennis at nabusog mo kami sa blog mo na ito :)
J said…
Happy Birthday kuya! Sorry at na-late ako... masyadong busy sa trabaho! Sad ako kasi hindi ako makakasama sa eyeball nyo! :-(
Dennis said…
Thanks Mommy Marie...Just like what happened nito ngang nakaraang bday ko dito sa office. Request na rin nila na sana daw ay makatikim sila nung mga pino-post ko dito sa blog. Ayun, hanggang kahapon ay topic pa rin ang mga food na inihanda ko at mga naghihingian ng recipes. Sabi ko naman ay abangan na lang dito sa blog para makadagdag naman sila ng traffic at mag-click kako sila ng mga ads for added points. hehehehe.

Sige...pag-nagkaroon ng pagkakataon ay ituloy natin ang Grand Eye Ball na ito....hehehehe.

Many thanks
Dennis said…
Thanks Zach....sa mga followers na kagaya mo kaya ako nagpapatuloy pa. nai-inspire ako kapag may mga nagko-comment sa mga pino-post ko. Pag wala kasi parang pakiramdam ko ay wala naman nagbabasa ng mga ginagawa ko...hehehe

Salamat muli at God Bless
Dennis said…
Okay lang J...pero ikaw talaga ang ine-expect ko na mauunang mag-post ng greetings sa akin...hehehehe. Pero okay lang..alam ko naman na patuloy ang suporta mo sa food blog kong ito.

God Bless friend.... :)
Anonymous said…
naku po sensya na po kasi ngayon ko lang ulit na open blog ninyo kaya now ko lang nalaman na nag birthday pala kayo... d po bale mag cli click ako ng todo para makabawi man lang,,, naging super busy po kasi ako last month,, (claire)
Dennis said…
Thanks Claire..sabi nga..better late than never...hehehe. Salamat sa mga click mo ha....pansin ko nga lumalaki ang points na e-earn ko sa bawat araw...hehehe. Thanks again.
Deng Bautista said…
Sir Dennis, nag hahanap po ako ng mga simpleng ulam na pede kong lutuin. Bagong kasal lang po ako at gusto ko din sana matuto ng pag luluto, tulong sa aking asawa. Nakakatuwa ang mga recipe ninyo. Madaling sundan at katakam takam talaga. Maraming salamat po sa inyong pag sheshare ng mga ito. Wag po sana kayong magsasawa.
Dennis said…
Salamat Deng....Una best wishes sa iyong bagong buhay..ang buhay may asawa.

Salamat sa iyong pagsuporta dito sa aking food blog. Hindi ako magsasawa hanggat may katulad mo na di din nagsasawa sa pagbisita sa blog kong ito. Pakiusap ko lang na sana ay i-share mo din ito sa iyong mga kaibigan at mga kamag-anak. Click also ang mga ads para naman maka-earn ako ng points sa google.

Salamat mului at God Bless you.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy