TURBO BROILED PORK LEG (Crispy Pata)
Isa pang dish na niluto nitong nakaraan kong kaarawan. Actually, marami na din akong crispy pata recipe sa archive. But I think ito yung pinaka-simple pero hindi simple ang sarap. Napuri nga ng mga bisita kong naka-tikim nito ang crispy pata na ito. At in a flash, buto ang natira sa crispy pata. hehehe.
Pahabol lang ang dish na ito sa list ng mga pagkaing inihanda ko. A day before my birthday, inilaga ko na ang pata at in-case lang na mabitin ako sa mga pagkaing ihahanda, ito kako ang idadagdag ko. At ganun nga ang nangyari, komo darating ang aking kapatid mula pa sa Bulacan, iniluto ko ang patang ito sa turbo broiler para maidagdag sa aking handa.
Ang sarap ng crispy patang ito. Malutong ang balat at ang laman ay malmbot na malambot. Kung baga, it melts in the mouth. hehehehe.
TURBO BROILED PORK LEG (Crispy Pata)
Mga Sangkap:
About 1.5 kilos Pork Leg o Pata ng Baboy (yung medyo malaman na part)
3 tangkay ng Tanglad o Lemon Grass (yung white na parte lang)
2 tbsp. Rock Salt
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang pata sa tubig na may asin at lemon grass hanggang sa lumambot ang karne. Dapat lubog sa tubig ang pata. (gawin ito a day bago lutuin sa turbo broiler)
2. Kung malambot na ang pata, patayin na ang apoy at hayaan lang na naka-babad sa pinaglagaan ang pata. (overnight)
3. Hanguin sa pinaglagaan at lutuin sa turbo broiler sa pinaka-mainit na setting hanggang sa pumula ang balat.
4. Palamigin lang sandali bago ihain.
Ihain na may kasamang sawsawan na suka, toyo at katas ng kalamansi o lemon.
Enjoy!!!!

Comments
http://daluckycook.blogspot.com/