HALEYANG KALABASA na may MACAPUNO
Noon ko pa balak gumawa ng espesyal na dessert na ito. Ang Haleyang Kalabasa. Ewan ko ba kung bakit hindi matuloy-tuloy...hehehehe. Medyo matrabaho din kasing gawin ito lalo na yung pagluluto o paghahalo. But atleast ngayon ay nagawa ko na din. hehehehe. And to make it more special, nilagyan ko pa ng sweet macapuno sa ibabaw na bigay naman ng aking officemate na si Ate Josie. Sino ba naman ang aayaw ngayon sa masarap na dessert na ito? hehehehe
Masasabi kong ito talaga ang tunay na labor of love. Pero sulit naman ang pagod at tagal ng pagluluto nito. Napaka-sarap ng kinalabasan at maihahambing mo talaga sa Ube Jam ng Good Shepperd sa Baguio. Yummy talaga!!!!
HALEYANG KALABASA na may MACAPUNO
Mga Sangkap:
1 kilo Kalabasa (Balatan, alisin ang buto at hiwain ng pa-cube)
1 tetra brick Condensed Milk
1 small can Evaporated Milk
2 tbsp. Vanilla
250 grams White Sugar
1 cup Butter
Star Margarine
Sweet Macapuno
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilaga ang kalabasa hanggang sa lumambot. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
2. I-blender ang nilutong kalabasa kasama ang evaporated milk hanggang sa ma-puree at maging pino.
3. Sa isang non-stick na kawali isalin ang na-blender na kalabasa. Ilagay na din ang condensed milk, vanilla, butter at asukal.
4. Haluin hanggang sa lumapot at magmuo-muo ang kalabasa. Huwag tiggilan ng halo. Tatagal siguro ng mga 1 hanggang 2 oras ang paghalo na gagawin.
5. Lagyan ng star margarine ang mga llanera o hulmahan na paglalagyan.
6. Hanguin sa mga hulmahan ang nilutong haleya. Palamigin.
7. To serve, isalin sa isang bandehado o plato at lagyan ng matamis na macapuno sa ibabaw.
Enjoy!!!!
Comments
Raymond
Thanks
Thanks Jav
Dennis