KALABASANG OKOY Expesyal


Number 5 all time favorite sa food blog kong ito itong Kalabasang Okoy.   Kaya naman naisipan kong i-feature itong muli at gawin pang mas espesyal sa lahat sa inyong aking taga-subaybay.   Espesyal ito komo malalaking hipon ang aking ginamit. 

Naisipan kong magluto ulit nito after almost 3 years nang mapanood ko yung commercial ng maggie magic sarap yung tungkol sa pagkain ng gulay.   Isa sa mga vegetable dish na niluto doon ay ito ngang kalabasang okoy.   Ayos na ayos naman dahil mayroon pa akong kalabasa na natira nung gumawa ako ng haleyang kalabasa at hipon naman nung nagluto ako ng sinigang na hipon sa kamyas.


Okay itong appetizer o kahit na main dish.   Panalong-panalo ito kung isasawsaw pa sa masarap na suka na may sili.  Gaganahan ka talagang kumain kapag inuna mo ito.  Hehehehe


KALABASANG OKOY Espesyal

Mga Sangakap:
200 grams Kalabasa (hiwain na parang palito ng posporo)
10 pcs. medium to large Shrimp or Sugpo (Balatan at alis ang ulo)
1/2 cup All Purpose Flour
1/2 cup Cornstarch
1 pc. Egg
 1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Hiwain ang kalabasa na parang palito ng posporo.   Balatan ang hipon at alisin ang ulo.
2.   Sa isang bowl paghaluin ang harina, cornstarch, asin, paminta, maggie magic sarap at itlog.   Lagyan ng malamig na tubig at batihin para makagawa ng batter.   Dapat medyo malapot ang kakalabasan ng inyong batter.
3.   Ihalo sa batter ang hiniwang kalabasa.   Dapat ay ma-coat ng batter ang lahat ng kalabasa.
4.   Sa isang platio, maglagay ng nais na dami ng kalabasang may batter.   Lagyan ng dalawang piraso ng hipon sa ibabaw at lagyan ng kaunitng battter para dumikit ang hipon sa kalabasa.
5.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
6.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain na may kasamang sawsawan na pinaghalong suka, asin, asukal, sibuyas at sili.

Enjoy!!!!


Comments

J said…
Tagal na akong di nakakakain ng okoy... college pa ata ako nung huli akong nakabili hehehe. Gusto ko i-try... pede kaya butternut squash instead of kalabasa?
Dennis said…
I think pwede J....kahit nga siguro pumpkin pwede. Try it!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy