CHICKEN and GOURMET SAUSAGE in SPAGHETTI SAUCE


Naka-try na ba kayo nung mga gourmet sausages sa mga supermaket o specialty store like hungarian sausage, italian, bratwurst, frankfurter, kielbasa at iba pa?   Yun lang medyo may kamahalan ang mga sausages na ito.  Nag-re-range ito from P350to P450 per kilo depende sa klase.

Alam nyo ba na masarap ang mga ganitong klase ng sausages sa mga stew?   Malasa kasi ito at punong-puno ng flavor.   Umiiba at sumasarap ang lasa ng simple nating afritada o menudo kapag nilalagyan natin ito ng mga ganitong sausages.   Parang yung mga tradisyunal na dish natin kagaya ng pochero, di ba nilalagyan ito ng chorizo de bilbao para mas maging malasa?

Sabi ko nga, yun lang medyo may presyo ang bawat piraso nito.  Pero kung espesyal na okasyon ang inyong paglalaanan ng ulam na lulutuin nyo kagaya ng anniversary o pasko man, okay lang siguro na lagyan natin ng mga ganito.   Di ba?   Espesyal na ulam sa espesyal na okasyon para sa espesyal na tao.


CHICKEN and GOURMET SAUSAGE in SPAGHETTI SAUCE

Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Legs (cut into 2)
2 pcs. Gourmet Sausages (Hungarian, Italian or Bratwurts...sliced)
2 pcs. Potatoes (quartered)
1 large Carrot (cut same size as potato)
1 tetra pack Spaghetti Sauce (filipino style)
Butter
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper ot taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2.  Ilagay na ang manok at timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaang ng mga 5 minuto para masangkutsa. 
3.   Ilagay na ang sausages, patatas, carrots at spaghetti sauce.   Haluin at takpan muli.   Hayaan kumulo hanggang sa maluto ang patatas.
4.   Timplahan ng maggie magic sarap.  
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Unknown said…
Dennis, Happy new year!
Salamat sa mga recipe mo its a big help for me.. mahilig kasi ako mag luto para sa pamilya ko every sunday walang pasok sa work. una kung na tutunan sayo yung kaldereta niluto ko ito last Nov. birthday ng bunso ko. at nagustuhan nman ng mag office mates ko yung kaldereta. nakakatuwa lang kasi na gustuhan nila. kaya sumula nun palage na ko nag luluto sa mga recipe mo.. Maraming salamat sa talent na sine-share mo sa amin. mabuhay ka!
Dennis said…
Salamat....Nakaka-inspire talaga pag nakakabasa ako ng comment na kagaya nito....hehehehe. Mas lalo akong ginaganahan na mag-post pa ng ibang recipe.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy