INIHAW na BANGUS with a TWIST
Noong araw, pangkaraniwang ulam namin itong isdang bangus. Marami kasi nito sa bayan namin sa Bocaue. Walang week siguro na hindi kami nag-uulam nito. Maraming klaseng luto ang nagagawa ng aking Inang Lina sa isdang ito. Mula prito, sinigang, paksiw, sarciado, relyeno, bistek, name it....marami pang pwedeng gawing luto sa isdang ito. Yun ang kainaman sa isdang ito. Napaka-versatile niya. Yun lang, masyado itong matinik kaya pahirap na mag-alis pa ng tinik habang kumakain ka.
Pero hindi na ngayon. May mga nabibili nang boneless na bangus sa mga palengke at supermarket. Dapat lang ay yung sariwa pa ang iyong bibilhin.
Paborito ng aking mga anak ang inihaw na bangus na may palamang sibuyas at kamatis. Kaya naman yun ang hiniling nilang gawin kong luto sa nabili kong 2 pirasong boneless na bangus. Para maiba naman, nilagyan ko muli ng twist ang masarap nang pinalamanang bangus.
Sa halip na sibuyas at kamatis lang ang aking ipinalaman, sinamahan ko din ng ginayat na leeks at grated cheese ang palaman. Ano pa ba ang kakalabasan kung may mga ganito pang sangkap? Winner panigurado. Kaya ayun ubos ng mga bata ang isang buong inihaw na bangus. hehehehehe
INIHAW na BANGUS with a TWIST
Mga Sangkap:
2 pcs. large size Boneless Bangus
6 pcs. Tomatoes (Sliced)
1 medium size White Onion (Sliced)
2 tangkay Leeks (Sliced)
1 cup grated Cheese
2 tbsp. Olive Oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang boneless bangus at timplahan ng asin at paminta. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang bowl, pagsamahin ang ginayat na kamatis, sibuyas, leeks, olive oil, maggie magic sarap at grated cheese.
3. Ipalaman sa bangus ang pinaghalong mga sangkap at balutin ng aluminum foil.
4. I-ihaw sa baga ng mga 20 to 30 minuto hanggang sa maluto. Maaari din itong lutuin sa oven, turbo broiler o sa stove top griller.
Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang calamansi na may toyo, suka at siling.
Enjoy!!!!

Comments
Nabasa mo yung comment ko sa latest post mo sa blog mo? hehehe
Thanks again
Dennis