KARE-KATSU


Sa aking pinapasukang opisina sa Makati, may isang di kalakihang restaurant na ang pangalan ay Manila Maki.   Sa tunog pa lang ng pangalan nila, parang Japanese na ang dating.   Pero bakit may Manila sa una?   Dahil ba nandito sila sa Pilipinas?    Hehehehe.

Yun pala ang mga pagkain na ino-offer nila ay mga Japanese dish na may Pinoy touch at mga sangkap.   Hindi ko masyadong matandaan yung pangalan ng ibang dish, pero na try ko ang adobo maki nila at ito ngang kare-katsu.


Ang Kare-katsu ay ang Japanese pork dish na Tonkatsu na nilagyan naman ng kare-kare sauce.   O di ba winner?   Masarap siya kaya naman naisipan kong gayahin din ito para matikman ng aking asawa at mga anak.   At wag ka, nagustuhan talaga nila ito at pati yung gulay ay kinain talaga nila with the kare-kare sauce.   Winner para sa akin ang dish na ito.



KARE-KATSU

Mga Sangkap:
1 kilo Butterfly cut Pork
2 pcs. Egg (beaten)
1 cup Flour or Cornstarch
2 cups Japanese Breadcrumbs
1 sachet Mama Sitas Kare-Kare Sauce
2 tbsp. Bagoong Alamang
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion (chopped)
Talong (sliced)
Sitaw

Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Gamit ang kitchen mallet, pitpitin ang butterfly cut na pork hanggang sa numipis.   Timplaha ito ng asin at paminta at hayaan ng ilang sandali.
2.   Ilubog ang karne sa itlog tapos ay sa harina...ibalik muli sa itlog at sa japanese breadcrumbs naman.  Ilagay muna sa isang lalagyan.   Ilagay sandali sa freezer para kumapit ng husto ang breadings sa karne.
3.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown na ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
4.   I-prito na din ang hiniwang talong.
5.  Para sa sitaw, i-steam o i-blanch lang ito hanggang sa maluto.  Huwag i-overcooked.
6.   Bawasan ang mantika sa kawali at magtira lamang ng mga 2 kutsara.
7.   Igisa dito ang bawang at sibuyas at isunod na agad ang kare-kare sauce at bagoong.   Haluing mabuti.   Lagyan ng tubig at patuloy na haluin hanggang sa makuha ang lapot ng sauce na nais.
8.  To assemble:  Hiwain ang piniritong pork at lagyan sa ibabaw ng kare-kare sauce.  Ilagay sa side ang sitaw at talong.

Ihain habang mainit pa na may kasamang mainit na kanin.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Galeng kuya... gusto ko rin ito!
Dennis said…
Try mo J....masarap talaga yan....Dun nga sa sinasabi kong resto best seller daw yan. And whats good in this dish is yung kare-kare sauce. ang sarap pag nilalagay mo dun sa fried talong...yummy talaga.
Unknown said…
Sir, mukhang masarap nga... try ko itong lutuin kasi me talong na prinito my favorite salamat sir dennis
Dennis said…
Salamt ulit Bhong....Masarap ito...kare-kare with a twist.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy