MACAPUNO-NATA-PANDAN DESSERT

Papalapit na talaga ang Pasko.   For sure, lahat tayo ay abala na sa paghahanda ng mga dekorasyon sa bahay at maging sa pagkaing ating ihahanda sa Noche Buena.   Bukod sa hamon, alam kong ang salad ang isa pang pagkain na hindi nawawala sa ating mga hapag.  Pangkaraniwan ay ang fruitcocktail salad komo madali lang itong gawin.   Ang iba naman ay ang classic na buko-pandan.

Dito ko nakuha ang inspirasyon para gawin itong Macapuno-Nata-Pandan Dessert na ito.   Yes.  Para din lang siyang Buko Pandan.   Ang pagkakaiba lang nito ay minatamis macapuno ang aking ginamit at hinaluan ko pa ng Nata De Coco.   Hindi ko na hinaluan ng condensed milk komo matamis na ang makapuno.   Ang sarap nito, dahil tamang-tama lang yung tamis at mas creamy siya talaga komo malapot ang macapuno.

Try nyo ito this Noche Buena.   Panigurado akong magugustuhan ito ng inyong pamilya at mahal sa buhay.


MACAPUNO-NATA-PANDAN DESSERT

Mga Sangkap:
6 cups Minatamis na Macapuno
2 cups Minatamis na Nata De Coco
1 sachet Mr. Gulaman (Green color)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 cup Sugar
3 pcs. Pandan Leaves

Paraan ng pagluluto:
1.   Magpakulo ng tubig sa isang kaserola ayon sa dami na nakasaad sa label ng Mr. Gulaman.   Ilagay dito ang pandan leave at hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
2.   Alisin ang pandan leaves at ilagay naman ang asukal at tinunaw na Mr. Gulaman powder.   Haluing mabuti hanggang matunaw ng tuluyan ang gulaman powder.
3.   Isalin ito sa mga square na container at palamigin.
4.   Kung malamig na, hiwain ito ng pa-cube sa nais na laki.
5.   Sa isang bowl, paghaluin ang hiniwang gulaman, macapuno, nata de coco at all purpose cream.   Haluing mabuti.
6.   I-chill muna sa fridge bago i-hain.

Ihain na may kasamang matamis na ngiti sa inyong mga labi. :)

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Gusto ko tuloy bumili ng macapuno hehehe. Layo kasi ng Fil store dito eh.
Dennis said…
Hahahaha...Thanks J... Kaya dapat bago ka pumunta ng Fil store dyan, ilista mo muna yung mga kailangan mong bilhin. Pero kahit pa anong layo niyan...at nagawa...naluto....natikman...at nakain mo na ang inaasam-asam ko na kainin, sulit na sulit na rin ang hirap...hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy