MEATBALLS in MIXED VEGETABLES


Isa sa medyo matipid na pang-ulam ay itong giniling na baboy or ground pork.    Marami kasi ang pwedeng gawin dito at pe-pwedeng 1 preparation lang ang gagawin pero marami kang putahe na pwedeng magawa.

Kagaya sa 1 kilo ng ground pork na ito.   Ginawa ko siyang bola-bola.   Hinaluan ko lang ang giniling na karne ng asin, paminta, worcestershire sauce, breadcrumbs, ginayat na sibuyas at itlog.   Naka-gawa nga ako ng bola-bola para sa vegetable dish na ito, bola-bola sa patola at miki (abangan) at yung iba naman ay ginawang kong pork burger steak.   Pwede din na kung gusto ninyo ng pasta dish, ito ang inyong ilahok kasama ng spaghetti sauce.   At kung may matitira pa, pwede mo din itong gawing palaman sa lumpiang shanghai.   O di ba ang daming pwedeng gawin?  

Try nyo ito.  Budget ulam na hindi budget ang lasa.


MEATBALLS in MIXED VEGETABLES

Mga Sangkap:
a.  Para sa Bola-Bola
1 kilo Ground Pork (lean)
2 tbsp. Worcestershire Sauce
1 cup Japanese Breadcrumbs
1 large White Onion (chopped)
2 pcs. Egg (beaten)
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and Pepper to taste
b.  Para sa Gulay
Mixed Vegetables (Carrots, Repolyo, Broccoli, Red Bell Pepper, Sayote, Baguio Beans)
2 tbsp. Oyster Sauce
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion (sliced)
1 tsp. Cornstarch
1 tbsp. Canola Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   S isang bowl, pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap.  Haluin mabuti.   Maaaring kumuha ng kaunti at i-steam o i-prito para matikman ang lasa.
2.   Kung okay na, gumawa ng mga bola-bola sa nais na laki.
3.  I-prito ito sa mantika hanggang sa maluto.   Set aside.
4.   Sa parehong kawali na pinag-prituhan, magtira lamang ng mga 2 kutsarang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
5.   Unang ilagay ang mga gulay na medyo matagal na maluto kagaya ng sayote, broccoli, Baguio beans at carrots.   I-stir-fry hanggang sa medyo maluto na.
6.  Isunod na agad ang iba pang mga gulay.
7.  Timplahan ng oyster sauce at ilagay na din ang tinunaw na cornstarch.
8.  Huling ihalo ang ginawang bola-bola at haluin muli.
9.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy