WHITE BARBEQUE CHICKEN

Isa sa mga site na pinagkukuhanan ko ng mga recipe ay itong www.yummy.ph.   Marami kasi ditong mga recipes na simpleng-simple lang at madali talagang lutuin.   At dito ko nga nakuha itong recipe natin for today.

Marami na din akong recipes sa roasted chicken na na-post sa food blog kong ito.   At itong recipe na ito ay nadagdag na naman sa aking archive.

Napansin ko lang sa dish na ito, ay mas masarap siya kung kinabukasan na kakainin. Mas nalalasahan ko yung mga flavors na aking inilagay.  At para mas sumarap pa, ang pinaghalong mayonaise, worcestershire sauce at minced na bawang.  Timpalahan na din ng kaunting asin at paminta para maging dip ng barbeque chicne na ito.

Try it!!!



WHITE BARBEQUE CHICKEN

Mga Sangkap:
2 pcs. 1 kilo Whole Chicken
1 cup Mayonaise
2 tbsp. Worcestershire sauce
5 cloves minced Garlic
1 tbsp. Vinegar
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   I-butterfly ang manok o hiwain sa gitna ng pitso
2.   Timplahan nh asin at paminta ang loob at  labas ng manok.   Imasahe itong mabuti sa paligid.
3.   Sa isang bowl, paghaluin ang mayonaise, garlic, suka at worcestershire sauce.  Haluin mabuti.\
4.   Ipahid ito sa paligid ng manok lalo na sa bandang loob nito.   Hayaan ng 1 oras bago lutuin.   Overnight mas mainam.
5.   Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 250 degrees sa loob ng 30 to 45 na minuto.   Baligtarin after ng mga 20 minuto.

Ihain kasama ng dip na sinabi ko sa itaas.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
type ko ito... lutuin ko kaya sa Thanksgiving? Para maiba naman hehe
Dennis said…
Try mo J....Take note of the dipping sauce at dapat medyo matagal ang marinade. Thanks J.
Unknown said…
masarap sana 2 sir dennis kaso i dnt have torbo broiler.
Dennis said…
Thanks Membs....pwede din ito sa oven or sa baga mismo as in ihaw-ihaw. I suggestion ko lang ay balutin mo muna ito sa foil at lutuin sa mga ng mga 15 to 20 minutes. then alisin sa foil at i-ihaw muli sa loob ng 15 to 30 minutes o hanggang sa pumula ng bahagya ang balat ng manok. Mas masarap kapag ihaw talaga ang gagawin.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy