YELLOW BAGOONG FRIED RICE


Sa panahon ngayon, it's a NO NO ang pagaaksaya.   Bakit naman?   Wala na atang mura na nabibili sa supermarket o palengke.  Kahit na yung itinuturing na pagkain ng mahirap ay mahal na ding nabibili.  Kaya importante na matuto tayong mag-recycle ng ating mga tira-tirang pagkain

Pangkaraniwan na natitira ay itong kanin.   Pwede din naman na isama na lang uli ito sa panibagong sinaing, pero kung marami ito mas mainam na isangag na lang ito for breakfast.

Pangkaraniwan na isinasangag natin ito sa bawang lamang.  But to add extra twist at mas lalong maging katakam-takam ang inyong sinangag, maaari itong lagyan ng iba pang flavor na ibig nyo.


YELLOW BAGOONG RICE

Mga Sangkap:
6 cups Tirang Kanin (mas mainam yung long grain rice na hindi masyadong malambot ang pagkalujto)
2 tbsp. Butter
5 cloves minced Garlic
3 tbsp. Sweet Bagoong Alamang
1 tbsp. Canola Oil
2 pcs. Egg (beaten)
1 tsp. Achuete Seeds
1 tsp. Maggie Magic Sarap

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang non-stil na kawali, i-prito ang itlog sa kaunting mantika.   Set aside.
2.  Sa parehong kawali, ilagay ang butter. Kapag natunaw na, ilagay ang achuete seeds hanggang sa lumabas ang kulay.  Alsin ang achuete seeds sa kawali.
3.   Igisa ang bawang hanggang sa pumula ng bahagya.
4.   Sunod na ilagay ang bagoong.
5.   Ilagay na din ang kanin at maggie magic sarap.   Haluing mabuti hanggang sa mabalot na ng kulay ang kanin.
6.   Hanguin sa isang lalagya at lagyan ng ginayat na nilutong scrambled egg sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Ahahay... magugustuhan ko ito! Idol talaga kita kuya!
Dennis said…
Hahahaha...thanks J...Itsurang java rice pero bagoong flavor...hehehehe. You may add a little chili-garlic sauce para may sipa ng konti. Hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy