CHICKEN in BEEF and MUSHROOM PASTA SAUCE
Atleast once a week ay nagluluto ako ng putahe na may tomato sauce. Di ba nga ina-advised yan ng mga expert dahil sa sustansya ng kamatis? At nito ngang nakaraang araw ay naisipan kong magluto ng calderetang manok na isa sa mga paborito kong putahe.
Nung inihahanda ko na ang mga sangkap na gagamitin ko sa pagluluto, laking pagkadismaya ko ng malaman kong wala na pala kaming tomato sauce. Inisip ibahin na lang ang luto kaya lang nanghihinayang ako sa iba pang sangkap na nabili ko na. Bungkal ako ng aming cabinet at nakita ko itong pasta sauce ng Del Monte na Beef and Mushroom.
Hindi ko pa na-try ang pasta sauce na ito sa pasta. Kaya medyo nag-aalanganin ako kung ito ang aking gagamitin. Pero sinubukan ko pa rin at nagulat talaga ako sa kinalabasan. Para sa akin, parang mas masarap pa ito kesa sa caldereta na aking hinahangad. Hehehehe. One thing more, mas masarap siya kung kinabukasan mo na ito kakainin pagkatapos lutuin.
Try it! Kahit ako di ko inasahan na ganun ang kakalabasang result.
CHICKEN in BEEF and MUSHROOM PASTA SAUCE
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
2 pcs. Potatoes (cut into large cubes)
1 large Carrot (cut with the same size as the potato)
2 pcs. Red or Green Bell Pepper
1 tetra pack Del Monte Beef and Mushroom Pasta Sauce
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
2 tbsp. Worcestershire Sauce
1/2 cup Olives
2 pcs. Dried Laurel leaves
1 large Onion sliced
5 cloves Minced Garlic
2 pcs. Tomatoes (sliced)
Salt and Pepper to taste
2 tbsp. Butter
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter. Halu-haluin.
2. Sunod na ilagay ang manok at timplahan ng asin at paminta. Takpan at hayaang masangkutsa ang manok.
3. Sunod ang ilagay ang sweet pickle relish at worcestershire sauce. Takpan muli at hayaan ng mga 5 minuto.
4. Sunod na ilagay ang Beef and Mushroom Pasta Sauce, olives, patatas, carrots at red bell pepper. Haluin ng bahagya at muling takpan hanggang sa maluto ang patatas.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa. Pero the best ito kung inabukasan na kakainin.
Enjoy!!!!

Comments