DAING na BANGUS with SWEET and SOUR SAUCE
Isa sa mga paborito kong isda itong Bangus. Kahit nung aking kabataan, madalas naming ulam ito sa bahay komo maraming palaisdaan ng bangus sa amin sa Bulacan. Tatlong luto ang madalas gawin ng aking Inang Lina sa bangus na ito. Sinigang, prito at paksiw.
Sa bahay, hindi ako nagluluto ng bangus kung hindi rin lang ito boneless o wala nang tinik. Mahirap kasi. Baka matinik pa ang mga bata. Kaya ang nangyayari, kung hindi prito ang luto, iniihaw ko ito ng may palaman sa turbo broiler.
Nitong huling bili ko ng boneless bangus, naisipan kong bakit hindi ko lagyan ito ng sweet and sour sauce sa ibabaw. Para naman kako maiba sa madalas na prito at inihaw na niluluto ko. At hindi naman ako nabigo. Masarap at nagustuhan ng aking pamilya ang aking niluto. Try it also.
DAING na BANGUS with SWEET AND SOUR SAUCE
Mga Sangkap:
2 medium to large size Boneless Bangus
1 pc. Carrot (cut into strips)
1 pcs. Red Bell Pepper (cut into strips)
2 thumb size Ginger (cut also into strips)
1 pc. large White Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
1/2 cup Tomato or Banana Catsup
1 tsp. Cornstarch
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and Pepper to taste
2 tbsp. Butter
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang daing na bangus ng asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng ilang sandali
2. I-prito ang bangus sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at pumula ang laman. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa isang sauce pan, igisa ang kuya at bawang sa butter.
4. Sabay-sabay naman ilagay ang sibuyas, carrots at redd bell pepper. Halu-haluin.
5. Sunod-sunod na ding ilagay ang catsup, brown sugar, asin, paminta at tubig. Halu-haluin.
6. Huling ilagay ang cornstarch na tinunaw sa tubig. Patuloy na haluin hanggang sa lumapot ang sauce. Maring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Ibuhos sa ibabaw ng piniritong daing na bangus ang sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments