KARE-KARENG PATA ng BABOY

In my November 29 post, naikwento ko ang 50th birthday party ng aking kaibigan at kapitbahay na si Ate Joy.   Sa dami ng pagkain na inihanda isa lang ang tumatak sa akin at iyun ay ang kare-kareng pata ng baboy.

Nagustuhan ko talaga ang pagkakaluto ng kare-kare na yun at makaraan ang halos isang buwan ay naaalala ko pa rin ito at naisipan ko tuloy na magluto din nito.   At nitong nakaraang Sabado nga ay iniraos ko ang aking craving sa kare-kare.

Instant kare-kare mix lang ang ginamit ko (Mama Sitas).   Bakit naman ako magpapakahirap kung may madaling paraan naman di ba?   Ang pagkakaiba ng kare-kare disk ko na ito ay ni-roast ko muna ang pata ng baboy sa turbo broiler bago ko ito niluto sa sauce.   Ang you know what?   Masarap ang kinalabasan ng aking kare-kare.  


KARE-KARENG PATA ng BABOY

Mga Sangkap:
1 whole Pata (sliced)
1 pack Mama Sita's Kare- kare Mix
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 tbsp. Peanut Butter
Sitaw
Talong
Pechay Tagalog
Puso ng Saging
Salt and Pepper to taste
2 tbsp. Canola Oil
Bagoong Alamang

Paraan ng pagluluto:
1.  Hugasang mabuti ang pata ng baboy at timplahan ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali.
2.  I-brown ang pata ng baboy sa Turbo Broiler o oven sa pinaka-mainit na settings hanggang sa medyo mag-pop ang balat.
3.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.  
4.   Ilagay na agad ang pata ng baboy at lagyan ng mga 3 tasang tubig.   Takpan at hayaang lumambot ang pata ng baboy.
5.   Kung malambot na ang pata, ilagay na ang kare-kare mix.
6.   Pwede na ding isunod ang sitaw at puso ng saging.   Takpan muli at hayaan ng mga 3 minuto.
7.   Sunod na ilagay ang talong at peanut butter.   Hayaang maluto.
8.   Huling ilagay ang pechay.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa na may kasamang bagoong alamang.

For presentation pwedeng lagyan ng dinikdik na mani sa ibabaw.

Enjoy!!!


Comments

Unknown said…
Thanks sir dennis... Happy new in advance
Try kung lutuin itong recipe mo.
Godbless
Dennis said…
Thanks Bhong...Happy New Year to you and your family.
jhing said…
naku thank you po sa napakadaling Kare-Kare recipe na to Kuya Dennis. i'll try it sa weekend. matagal na po kong "stalker" ng food blog nyo pero ngayon lang po ako nakapag-comment. maraming salamat po sa mga madadaling recipes! keep it up.
Dennis said…
Thanks Jhing...salamat sa Mama Sitas....hehehehe. Actually yun lang ang nagpadali sa prosesong ito. Hehehehe

Regards
ejay said…
I will try this tomorrow.ty
Dennis said…
Yes Ejay...napakadali lang di ba?
Vanessa27 said…
Tnx makakapagluto Na rin aq ng kare-kare! Godbless :)
Dennis said…
Thanks Vanessa27....Madali lang di ba? But take note na ang nagpapasarap sa kare-kare ay hindi ang laman o sauce nito..kundi ang bagoong. So dapat good quality bagoong ang iyong gagamitin.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy