PEACH MANGO FLOAT
Ito ang dessert na ginawa ko nitong nakaraang Noche Buena namin sa Batangas. Peach and mango Float. Yung peach mango pie ng Jollibee ang naging inspirasyon ko sa masarap na dessert na ito. Madali lang itong gawin at walang cooking involve.
Pero kahit simple ang mga sangkap at paraan ng paggawa nito hindi naman tipid ito sa lasa. Sa katunayan nagustuhan ito ng aking mga anak.
PEACH MANGO FLOAT
Mga Sangkap:
2 packs Graham Cracker
1 big can Peach in syrup (sliced)
1 kilo Mango (sliced)
3 tetra brick All Purpose Cream
2 tetra brick Condensed Milk
Paraan ng pag-assemble:
1. I-chill muna ang all purpose cream at condensed milk.
2. Sa isang bowl paghaluin ang all purpose cream at condensed milk.
3. Sa isang square dish, ihilera lang sa base ang graham cracker.
4. Lagyan ito ng pinaghalong cream at milk at saka hilerahan ng hiniwang mangga.
5. Gawin lang ulit ang #3 at 4 alternate na ilagay ang peach at mangga.
6. Sa ibabaw, budburan ng dinurog na graham hanggang sa ma-cover ang kabuuan nito.
7. I-chill muna bago i-hain.
Enjoy!!!!
Comments