BANGUS FILLET and TOFU in BLACK BEANS SAUCE


Na-try nyo na ba yung bangus back fillet na natatagpuan sa frozen section ng mga supermarket?   Yes.  Marami na ding mga brand na lumalabas ngayon.   Meron din nung mga parts ng bangus like ito ngang back fillet, yung tiyan at yung daing na mismo.  Whats good sa ganitong cut ng bangus ay naipa-plano kung anong luto ang maganda ditong gawin.

Kagaya nga nitong back fillet na bangus na ito.   Naisip ko agad na lutuin ito na may kasamang tokwa at may black bean sauce o tausi.  Sarap nito, para ka na ring kumain sa isang Chinese Restaurant.  Yummy!!!


BANGUS FILLET and TOFU in BLACK BEANS SAUCE

Mga Sangkap:
1/2 kilo Bangus Back Fillet (cut into serving pieces)
1 block Tofu o Tokwa (cut into cubes)
1/2 cup Unsalted Black Beans o Tausi
3 tbsp. Oyster Sauce
2 tbsp. Soy Sauce
1 tbsp. Sesame Oil
1 tbsp. Cornstarch
2 tbsp. Brown Sugar
2 cups Cornstarch
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 large Onion (Sliced)
5 cloves minced Garlic
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Tiplahan ng asin at paminta ang hiniwang bangus back fillet.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang plstic bag o zip block, ilagay ang bangus at cornstarch.   Alug-alugin hanggang sa ma-coat ng cornstarch ang lahat ng piraso ng bangus.
3.   I-prito una ang tokwa ng lubog sa kumukulong mantika hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.   I-prito na din ang bawat piraso ng bangus fillet hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.   Hanguin kasama ang nilutong tokwa.
5.   Bawasan ang mantika sa kawali.   Magtira lanag ng mga 2 kutsara.
6.  Igisa ang luya, bawang at sibuyas.
7.   Isunod na agad ang black beans sauce, toyo, brown sugar at mga kalhating tasang tubig.   Hayaang kumulo.
8.   Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.   Tikman at i-adjust ang lasa.
9.   Ilagay ang sesame oil bago ibuhos ang sauce sa ibabaw ng piniritong tokwa at bangus.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

-->

Comments

J said…
Uuuy tamang tama may black beans kami dito... ayos na ayos ito hehehe. Thanks for the inspiration, kuya!
Dennis said…
Thanks Roui.....you try it also.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy