CHICKEN BINAGOONGAN


Nanonood ba kayo ng Master Chef Pinoy Edition sa Channel 2?   Ako nakakapanood pero sa Internet na lang.   Sa www.iwantv.com.ph.   Magtatapos na ito this Saturday sa siang live cook-off ng apat na finalist.

Sa buong season ng programang ito, wala namang specific na recipe akong natutunan.   Pero in general, ang natutunan ko dito ay yung pag-e-eksperimento sa mga dish na pwedeng lutuin o yung invention test nila.  Hindi naman talaga dapat na maging limited ang mga dish na niluluto natin sa mga pangkaraniwang dish na nakakain natin.

Halimbawa ay itong pork binagoongan.   Masarap talaga ito at isa ito sa mga paborito ko.   Bakit hindi naman sa manok natin ito gawing luto?   At ito nga ang nilutio nitong isang araw.   Pareho lang naman ang pamamaraan ng pagluluto nito.   Mas madali lang sa manok komo mas madali itong maluto.   Try it!   Masarap talaga.


CHICKEN BONAGOONGAN

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1/2 cup Bagoong Alamang (yung nasa bottle na nabibili sa supermaket ang ginamit ko)
2 cups Kakang Gata or 1 sachet Coconut Cream Powder
4 pcs. Siling pang-sigang
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Canola Oil
2 pcs. Talong (sliced)

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kawali o kaserola, i-prito muna ang talong hanggang sa maluto.
2.  Sa parehong lutuan, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
3.   Ilagay na agad ang manok at timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaang masangkutsa.
4.   Ilagay na ang siling pang-sigang at bagoong alaman.   Lagyan ng kaunting tubig at haluin.   Takpan muli at hayaang maluto ang manok.
4.   Huling ilagay ang kakang gata at timplahan ng maggie magic sarap.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
ahahay mukhang masarap talaga yan kuya!
Dennis said…
Sarap talaga nito J...lalo na with the fried talong on the side....yummy!!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy