CHICKEN PASTA and CANTON GUISADO
Noong nagluto ako ng pasta nitong nakaraan naming wedding anniversary, hindi ko isinama ang lahat ng spaghetti pasta na niluto ko sa aligue sauce na aking ginawa. Naisip ko kasi na parang kulang yung aligue sauce at baka maging matabang na ito kung isasama ko lahat ng pasta.
Kaya naisipan kong baging hindi ko igisa ito na parang pancit bihon? Kung lalagyan ko lasi ng spaghetti sauce para namang nakakasawa na. At yun nga ang ginawa ko. Iginisa ko na parang pancit bihon at sinamahan ko pa ng kaunting canton noodles to add more flavors. At para mas maging malasa pa, pinakuluan ko yung manok na pangsahog para makakuha ako ng malasang ipangsasabaw sa pancit. At yun na nga, masarap at malasa ang pasta guisado na ito na aking niluto...hehehe
CHICKEN PASTA and CANTON GUISADO
Mga Sangkap:
1/2 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package directions)
100+ grams Canton Noodles
1 whole chicken Breast
250 grams Chicken Liver (cut into pieces)
1 pc. Carrot (cut into strips)
100 grams Baguio Beans (sliced)
1/2 medium size Repolyo (sliced)
1/2 cup Kinchay (chopped)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
13 tbsp. Oyster Sauce
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
1/4 cup Soy Sauce
Salt and peper to taste
2 tbsp. Canola Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pakuluan ang manok ng mga 45 minuto hanggang 1 oras sa tubig na may kaunting asin. Hanguin ang man ok at palamigin. Himayin ang manok sa nais na laki.
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
3. Isunod na agad ang atay ng manok at ang manok na hinimay.
4. Isunod na din ang carrots at Baguio Beans at timplahan ng asin, paminta at oyster sauce. Kung medyo luto na ang atay ng manok at mga gulay, maaring kumuha ng kaunting sahog para pang toppings.
5. Ilagay ang sabaw na pinaglagaan, toyo at maggie magic sarap. Yung sabaw dapat tama lang sa dami ng noodles na gagamitin. Hayaang kumulo ng mga 3 to 5 na minuto.
6. Tikman ang sabaw kung ayos na bago ilagay ang canton at ang pasta noodles.
7. Haluing mabuti hanggang sa mahalo na ang sahog sa lahat ng noodles.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang naunang sahog na hinango.
Ihain habang mainit pa na may kasamang calamansi.
Enjoy!!!
NOTE: Tulungan po ninyong ako maka-earn ng points sa Google by clicking the ADS in this post. maraming salamat po.
Comments