CHICKEN THIGH FILLET STEW with KASTANYAS
May nagbigay sa asawang kong si Jolly ng Chesnut o kastanyas na nakalagay sa sachet o pouch. Imported ata ito at hindi ko lang inalam kung sino ang nagbigay. Nakalagay ito sa fridge namin ng ilang linggo na din at hindi namin alam kung ano ang gagawin dito.
Ganun din, hindi ko maisip kung anong luto ang gagawin sa 1 kilo ng chicken thigh fillet na nabili ko nitong isang araw. Noon ko naisipan na bakit hindi ko na lang isama ang kastanyas na nasa sachet sa luto ng chicken fillet na ito. Niluto ko siya na parang afritada lang na sinamahan ko din ng sweet pickles at kaunting atay ng manok, nagulat ako sa flavor na nagawa ng kastanyas sa kabuuan ng dish. Masarap ito at hindi pangkaraniwan na afritada na ating nakakain. Nandun yun tamis at asim ng pickles at yung linamnam ng kastanyas. Yummy talaga....Kaya basta may pagkakataon ay magluluto ulit ako ng ganito. Yun lang may kamahalan nga pala ang kastanyas....hehehehe.
CHICKEN THIGH FILLET STEW with KASTANYAS
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into bite size pieces)
250 grams Chicken Liver
1 tetra pack Tomato Sauce
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
1/2 tsp. Dried Basil
2 cups Kastanyas (Roasted or yung nasa sachet)
2 pcs. Potatoes (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
1 medium size Carrot (cut into cubes)
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Olive Oil or Canola Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil o ordinaryong mantika.
2. Ilagay na agad ang manok at timplahan ng asin, paminta at dried basil.
3. Ilagay na din ang sweet pickle relish at hayaang masangkutsa. (Mga 5 minuto)
4. Ilagay na ang kastanyas, patatas, carrots, red bell pepper at tomato sauce. Takpan at hayaang maluto ang patatas.
5. Hinaan ang apoy at hayaan pa ng mga 5 minuto.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments