CHINESE STYLE PATA ASADO
Bukod sa Crispy Pata, itong Chinese style Asado ang masarap na gawing luto sa pata ng baboy. Actually, para din lang siyang adobo o humba ng mga bisaya. Ang pagkakaiba lang nito ay yung paglalagay ng mga spices na pangkaraniwang nakikita natin sa mga traditional na Chinese dishes. Kagaya din lang ng adobo, masarap kainin ito kung sa kinabukasan na. Mas kumakapit kasi yung flavor sa kaloob-looban ng karne ng baboy. Kaya ihanda na ang mainit na kanin kung ito ang iyong ulam. Hehehehehe.
Kung gusto nyo naman, pwede din itong himay-himayin at ipalaman sa cua pao o yung Chinese bun o kahit ordinaryong monay. Para ka na ring kumain ng siopao sa asado dish na ito. Winner!
CHINESE STYLE PATA ASADO
Mga Sangkap:
1.5 kilo Pata ng Baboy (sliced, yung malaman na parte)
3 pcs. Star Anise
2 tbsp. Dried Oregano
a thumb size Cinamon sticks
1/2 cup Soy Sauce
1/4 cup Vinegar
1/2 cup Brown Sugar
1 head minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1 tsp. ground Black Pepper
Salt to taste
1 tbsp. Cornstarch
1 tsp. Sesame Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserol, ilagay ang lahat ng mga sangkap maliban sa sesame oil. Lagyan din ng mga 2 tasang tubig at pakuluan hanggang sa lumambot ang pata. Lagyan ng tubig kung kinakailangan pa. Bali-baligtarin ang bawat piraso ng pata para di manikit sa bottom ng kaserola.
2. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
3. Kung luto na, ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce at ang sesame oil.
Ihain habang mainit pa. Pero sabi ko nga mas masarap ito kung kinabukasan na kakainin.
Enjoy!!!
Comments