GINATAANG ALIMASAG na may SITAW at KALABASA
Gusto ko rin yung mga pagkaing may lahok na gata ng niyog kagaya nitong recipe natin for today, itong ginataang alimasag na may sitaw at kalabasa. Masarap din yung laing or bicol express. Kaya nga basta may pagkakataon nagluluto ako ng mga nito.
Noong araw, medyo matagal ang proseso sa pagkuha ng gata ng niyog. Magkukudkod ka pa at saka mo ipipiga para makuha yung kakang gata. Ngayon, bukod sa mga canned na gata, meron din yung mga powder naman na ihahalo mo lang sa maligamgam na tubig. Ofcourse iba pa rin yung fresh na gata o yung bagong piga na gata ng niyog.
Sa Farmers Market sa Cubao may nagtitinda dito ng kakang gata ng niyog na nabibili ng per kilo. Yes, kinikilo nila ito at ang per kilo ay nagkakahalaga ng P80. Okay na ito kaysa naman magkudkod ka pa at mag-piga. hehehehe. Ang resulta, mas malinamnam ang sauce at mas creamy talaga. For this dish, ok din lang naman kung yung nasa lata o yung powder, ang punto ko lang, iba talaga yung fresh na piga. hehehehe
GINATAANG ALIMASAG na may SITAW at KALABASA
Mga Sangkap:
1 kilo Alimasag (blue crab yung ginamit ko dito)
1/2 kilo Kakang Gata
250 grams Kalabasa (cut into cubes)
1 tali Sitaw (cut into 2 inches long)
2 thumb size Ginger (sliced)
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola o kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay na agad ang alimasag at timplahan ng asin at paminta. Ilagay na din ang kalhati o 1/4 kilo ng kakang gata. Takpan at hayaan ng mga 3 minuto.
3. Sabay nang ilagay ang sitaw at kalabasa. Ilagay na ang natitirang gata at takpan hanggang sa maluto ang sitaw at kalabasa.
4. Timplahan ng maggie magic sarap. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
-->
Comments
Salamat muli
Dennis