MACARONI with TUNA and CRAB MEAT SAUCE
Last holiday season, may ilang kilo ng elbow macaroni pasta din ang natanggap ko mula sa mga kaibigan. At dalawa lang luto ang pwede kong gawin dito, gawing sopas at lagyan ng sauce.
Mapa sopas man o may sauce, marami tayong pwedeng ihalo o isahog sa mga pasta. Nasa sa atin na siguro kung ano ang trip nating isama. Basta ang tatandaan lang natin, dapat malasa yung sahog na ilalahok natin sa pasta komo matabang naman ito at halos walang lasa.
At ganun nga ang ginawa ko sa pasta dish na ito na inalmusal namin nitong nakaraang Sabado. Parang ala carbonara ang ginawa kong sauce na may lahok na canned tuna at crab sticks. Nilagyan ko din ng dried basil para mas lalo pang sumarap.
MACARONI with TUNA and CRAB MEAT SAUCE
Mga Sangkap:
1/2 kilo Elbow Macaroni Pasta
1 big can Century Tuna Flakes in Oil
10 pcs. Crab Sticks (cut into 1/2 inch long)
1 tetra brick All Purpose Cream
2 cups grated Cheese
3 tbsp. Butter
5 cloves minced Garlic
1 large White Onion (chopped)
1/2 tsp. Dried Basil leaves
Salt and pepper to taste
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
1 cup Sabaw ng pinaglagaan ng pasta
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang macaroni pasta according to package directions. Hayaang umalsa muna sa loob ng 5 minuto bago i-drain. Magtabi ng 1 tasa ng sabaw nito.
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
3. Ilagay na agad ang tuna flakes kasama ang oil nito.
4. Ilagay na din ang all purpose cream at yung 1 cup na sabaw ng pinaglagaan ng pasta.. Timplahan ng asin, paminta, maggie magic sarap at dried basil.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Ilagay na ang macaroni pasta, hiniwang crab sticks at 1 cup ng grated cheese. Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang 1 cup a na grated cheese
Ihain habang mainit pa na may kasamang toasted bread or pandesal.
Enjoy!!!!
-->

Comments