MY TATANG VILL'S BIRTHDAY CELEBRATION


Last February 2, 2013, ipinagdiwang ng aking Tatang Villamor ang kanyang ika-71 kaarawan.   Sa awa ng Diyos at sa tulong ng aking Kuya Nelson, naipaghanda namin siya ng isang simpleng hapunan.   Mga kapamilya at mga kaibigan lamang ang kanyang bisita.


Every year, talagang ginagawan namin ng paraan para kahit papaano ay may handa ang kanyang kaarawan.   Kung baga, dapat lang na ipagpasalamat ang mga ganitong okasyon dahil hindi biro ang abutin ka ng idad na 71.  Hehehehe

Maaga kaming nakarating sa aming bahay sa Bulacan.   Ayaw kasi naming maubusan ulit ng handa kagaya nung nagyari las year....hehehehe.   Syempre, kumpleto ang pamilya ko sa okasyong ito.

Apat kaming magkakapatid.   Ang aking Ate Mary Ann na wala sa picture dahil busy sa mga pagkain pang ihahain.   Si Shirley (pict sa itaas) na aming bunso at ang Kuya Nelson ko nga na nasa Japan.   Lahat kami ay marunong magluto kaya hindi problema ang maghanda sa limited na budget.   hehehehe

Konti lang naman ang handa.   Hehehehe.   May halabos na alimasag complete with sawsawan.

May roasted chicken din at its simpliest form.   Hehehehe.   Ibig kong sabihin, minarinade lang siya sa asin, patis at paminta ata at saka niluto sa turbo broiler.   Huwag ka..ang sarap ang chicken na ito.  


Mayroon ding halabos na hipon.


Lechong kawali

Asadong Dila ng Baboy.   One of my favorite.   Sarap talaga nito.

Fried Cat fish o hito.  Sorry di ako kumakain nito kahit nung bata pa ako.  hehehe

Meron din Baby Potatoes with bacon and cheese.
 

At syempre ang pancit na hindi mawawala sa mga okasyon kagaya ng birthday.

Para sa panghimagas, meron pakwan na abudant ngayon sa amin sa Bulacan.

Maja Mais
at Mango Crepe.   Mayroon din palang Halayang Ube na hindi ko na nakuhanan ng picture.



Syempre present ang buong angkan sa dinner na ito.   Mula sa kanyang mga kapatid hanggang sa kaapo-apuhan.   Hehehehe

Ang aking Ate Mary Ann na busy na busy nang gabing yun.

Nakisaya din ang kanyang mga matatalik na kaibigan na naasahan talaga niya sa masasaya o malulungkot man na panahon.

71 na si Tatang.   Dalangin ko na sana ay maraming kaarawan pa ang abutin niya.   

Amen.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy