PAN FRIED TUNA with MILKY WASABI SAUCE
Binigyan ako ng kapitbahay kong si Ate Joy ng fresh tuna na galing pa ng Davao. Dalawang pack na siguro mga 250 grams ang bawat isa so mga 1/2 kilo ang mga yun. Ito yung ginagawang sashimi sa mga Japanese Resto. Kita mo talaga na fresh ito dahil ang pula-pula pa ng kulay.
Gusto ko mang kainin ito ng raw o sashimi, naisip ko na papaano naman ang mga bata. Baka hindi nila ito kainin. So ang ginawa ko, tinimplahan ko lang ito ng asin at paminta at inihaw ko sa kawali sa kaunting olive oil. Gumawa din ako ng sauce na may kasamang wasabi. Yes wasabi yung green na inihahalo sa toyo na sawsawan ng sashimi. Nung una medyo natakot ako na gawin ito, pero laking gulat ko sa kinalabasan nito. masarap siya at wala yung kagat na nararamdaman o nalalasahan natin kapag ginagawa natin itong sawsawan. Try nyo din para malaman ninyo. Dun sa lasa ng tuna? YUMMY!!!!
PAN FRIED TUNA with MILKY WASABI SAUCE
Mga Sangkap:
1/2 kilo Fresh Tuna
1 small can Alaska Evap
1 tsp. or more Wasabi powder
1/2 cup Butter
5 cloves minced Garlic
1 tsp. cornstarch
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang tuna. Hayaan ng mga 1/2 na oras
2. Sa isang non-stick na kawali, i-pan-fried ang tuna sa butter hanggang sa maluto at pumula ang magkabilang side.
3. Sa parehong kawali, igisa ang bawang hanggang sa medyo pumula.
4. Ilagay agad ang Alaska evap, wasabi powder at timplahan ng maggie magic sarap, kaunting asin at paminta. Halu-haluin.
5. Kapag kumulo na, ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ibuhos ang sauce sa nilutong tuna bago ihain.
Enjoy!!!
Comments