RED BULALO


Napanood nyo na ba yung commercial ng Del MOnte Tomato sauce kung saan yung pork sinigang na niluto ay nilagyan ng tomato sauce.   Tinawag nila ito red sinigang.   Na-try ko na din yun at naka-post na din sa blog kong ito.

In that same commercial, sa may last part, sinabi nung main character na "next time red bulalo naman" at yun nga ang ginawa ko din naman sa 1 kilo ng beef shank na nabili ko nitong isang araw.

It's the same bulalo o nilagang baka na nakagawian na natin.   Ang pagkakaiba lang nito ay nilagyan ito ng tomato sauce.   Halos pareho lang din siya ng pochero wala nga lang saging na saba o kamote na nagpapatamis sa sauce nito.   Dito nga lang sa red bulalo na ito, parang medyo bitin yung tamis ng sabaw as compare sa pochero.  

But in general, masarap at kakaiba ang red bulalo na ito.   Try nyo din.


RED BULALO

Mga Sangkap:
1+ kilo Beef Shank
1 tetra pack Tomato Sauce
1 large Onion (quatered )
Pechay Tagalog
Repolyo or Pechay Baguio
Mais (cut into 1 inch long)
Leeks (slcied)
Patatas (quatered)
1 tsp. Whole Pepper Corn
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, palambutin ang beef shank sa tubig na may asin, sibuyas at pamintang buo.
2.   Kung malapit nang lumambot ang karne, maaring ilagay na ang mais at tomato sauce.   Hayaang mlauto ang mais.
3.   Isunod na ang patatas at hayaan muling maluto ito.
4.   Huling ilagay ang madadahong gulay.
5.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!




-->



Comments

J said…
Sarap niyang bulalo... dito may nabibili ding bulalo lang pero ako lang kumakain hehe. Feeling ko lagi, aatakihin ako sa puso hehehe.
Dennis said…
Hahahaha....aatakihin ka sa puso dahil sa taba o dahil sa mahal ng presyo dyan? hehehehe
J said…
sa taba, kuya! Mura ang bulalo dito kasi walang bumibili! Hehehe.
Dennis said…
Hahahaha....Wag mo na lang kainin yung taba....hehehehe...laman, sabaw at gulay na lang...hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy