ROAST PORK with BARBEQUE SAUCE

Ito ang isa pa sa mga inihanda ko nitong nakaraan naming wedding anniversary.   Roast Pork with Barbeque Sauce.   Sabi ko nga, yung mga paborito ng asawa kong si Jolly ang naisip kong lutuin komo special day namin ito.

Nung una hindi ko pa alam kung papaano ko ito lulutuin at kung anong flavor ang aking ilalagay.   Until maisipan kong gawing fruit salad ang 2 latang fruit cocktail na natanggap pa namin last Christmas.   Ayun, yung syrup ng fruit cocktail ang ginamit kong pang-marinade at kasamang pinakuluan hanggang sa lumambot at i-roast.

Ang sarap ng kinalabasan.   Malambot at malasa ang karne.   Mas lalong sumarap pa dahil sa A1 barbeque sauce na ginamit ko.

Try nyo po.


ROAST PORK with BARBEQUE SAUCE

Mga Sangkap:
1.5 kilo or 1 slabs Country Style Pork Ribs
4 cup Pineapple Juice or Fruit Cocktail Syrup.
1 head minced Garlic
1 large Onion (chopped)
2 cups Brown Sugar
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Salt
1 tsp. ground Pepper
1/2 cup A1 Barbeque Sauce (or any brand)

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang pork ribs sa lahat ng mga sangkap na naka-lista sa taas.   Hayaan ito ng overnight .
2.   Kinabukasan, pakuluan ito sa isang heavy bottom na kaserola hanggang sa lumambot na ang karne.
3.   I-roast naman ang nilutong karne sa oven o turbo broiler hanggang sa pumula ang balat nito.
4.  For the sauce, lagyan lang ng 1/2 a cup pa ng barbeque sauce at 1 tsp. na cornstarch ang pinaglagaan ng karne hanggang sa lumapot ito.   Tikman ang i-adjust ang lasa.

Palamigin sandali ang roast pork bago i-slice at saka lagyan ng sauce sa ibabaw.

Enjoy!!!


Comments

Anonymous said…
hello kuya thamk you sa recipe.im here sa u.s..malaking tulong yong mga recipe post mo..more power and God bless--
Dennis said…
Thanks Anonymous....

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy