STUFFED BELL PEPPER with CHICKEN, CRAB STICKS, CHEESE and BASIL
Basta para sa aking pamilya, gusto ko lahat the best. Pagdating sa mga pang-ulam namin sa araw-araw tinatanong ko sila kung ano ang gusto nila at yun ang aking niluluto. Lalo na pag mga espesyal na okasyon kagaya ng birthday o anniversary, kung ano ang gusto nila na iluto ko ay yun ang ginagawa ko.
Kagaya nitong nakaraan naming wedding anniversary kahapon. Sa lahat ng mga naluto kong espesyal na putahe ay gustong-gusto ng asawa ko itong stuffed bell pepper na ito ang isa sa mga paborito niya. Kaya naman ito ang isa sa mga inihanda ko para sa kanya.
Yun lang may ibang twist akong ginawa dito. Sa halip na bacon ang aking inihalo sa giniling na manok, crab stick ang aking inilagay. Also, nilagyan ko din ito ng Japanese Mayo sa ibabaw para mas lalong luminamnam ang lasa. Try it! Para sa ating mga mahal sa buhay.
STUFFED BELL PEPPER with CHICKEN,CRAB STICKS, BASIL and CHEESE
Mga Sangkap:
3 pcs. large Bell Pepper (hatiin sa gitna at alisin ang buto)
1/2 kilo ground Chicken
8 pcs. Crab Sticks (cut into small pieces)
1/2 bar grated Cheese
1 cup chopped Fresh Basil Leaves
1 tsp. Sesame Oil
1 pc. Egg (beaten)
1 large White Onion (finely chopped)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Japanese Mayonaise
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin lamang ang lahat ng mga sangkap maliban sa bell pepper at Japanese Mayo. Maaaring mag-steam o mag-prito ng kaunti para malaman kung tama na ang timpla.
2. Kung ok na ang timpla, ipalaman ito sa bawat hiwa at piraso ng bell pepper.
3. Lutuin ito sa oven o sa turbo broiler sa init na 250 to 300 degrees hanggang sa pumula ang ibabaw o ang palaman.
4. Palamigin sandali bago ilagay ang Japanese Mayo sa ibabaw.
Enjoy!!!
Comments