TURBO BROILED BANGUS in BANANA LEAVES
Narito ang isa ko pang version ng Inihaw na Bangus pero niluto ko ito sa Turbo Broiler. Bawal kasi sa condo namin ang mag-ihaw sa baga....hehehehe. This time binalot ko pa ang bangus ng dahon ng saging at saka ko siya binalot pa ng aluminum foil at saka ko nga isinalang sa turbo broiler.
Sa amin sa Bulacan o kahit saang probinsya siguro ay ginagawa din itong pagbabalot ng isda sa dahon ng saging at saka iniihaw. Mainam kasi ito dahil nagdadagdag ng smokey taste at flavor ng dahon ng saging ang isda na iniihaw. Yun lang kapag iniihaw mo ng direct sa baga ang isdang nakabalot ng dahon ng saging, madlaing nasusunog yung dahon bago pa maluto ang kabuan ng isda. Kaya minarapat kong balutin pa ng aluminum foil ang binalot na sa dahon na isda at saka ko iniihaw. Masarap talaga, dahil lumalabas yung natural na flavor ng isda at yung lasa ng dahon ng saging.
TURBO BROILED BANGUS in BANANA LEAVES
Mga Sangkap:
2 pcs. medium to large size Boneless Bangus
8 pcs. Kamatis (sliced)
2 pcs. large Onion (sliced)
1/2 cup Vinegar
1 head minnced Garlic
Salt and pepper to taste
Dahon ng Saging
Aluminum Foil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl paghaluin ang suka, bawang, asin at paminta.
2. Ibuhos ito sa boneless bangus par ama-marinade. Hayaan ng mga 30 minuto.
3. Paghaluin ang hiniwang kamatis at sibuyas at saka ipalaman sa minarinade na bangus.
4. Ibalot ang bawat isang bangus sa dahon ng saging at saka balutin muli naman sa aluminum foil.
5. Lutuin ito sa turbo broiler sa pinaka-mainit na settings sa loob ng 30 to 45 minuto. Pwedeng-pwede din itong ihawin sa baga the usual way.
Ihain na may kasamang sawsawan na pinaghalong suka, toyo, calamansi at kaunting sili.
Enjoy!!!
PAHABOL:
Paki-click naman po ng mga ADS para maka-earn ako ng points Sa Google. Salamat po ng marami. God Bless you
Comments