VALENTINE DINNER @ MR. KUROSAWA (Resort World Manila)

Nitong nakaraang Valentines Day wala talaga akong balak na ilabas ang aking asawang si Jolly.   Ang balak ko lang ay magluto ng espesyal na dinner para sa kanya at mga kids at ibili siya ng bulaklak at lagi ko namang ginagawa tuwing dumarating ang araw ng mga puso.

Kaso, nakantyawan ng aking asawa ang kanyang Kuya Alex na nasa Resort World sa Pasay nung time na yun na i-treat naman daw siya.   Nung una di naman talaga ako kasama pero sinabi ng kanyang kuya na isama nga daw ako.   Kaya ayun nalibre ang aming dinner date ng aking asawa.   Hehehehe

Nag-ikot muna kami sa Resort World kasama ang asawa ng kanyang kapatid na nandun din nung mga oras na yun.   Pumili kami kung saan kami pwedeng mag-dinner at komo medyo maluwag itong Mr. Kurosawa restaurant ay doon kami pumasok.

Mr. Korosawa is a Euro-Japanese restaurant.   Maraming choices yun lang medyo may presyo ang karamihan.   Hehehehe

Ang appetizer na in-order namin ay yung fried maki na nasa itaas ang picture.   Ok naman siya.   Kaya lang parang wala naman akong nalasahan na extra special.

For the soup, Salmon head in miso soup.   Matabang para sa aking panlasa.   The same nothing special akong nalasahan.   Pero pwede na din.

Okay naman ang Ebi Tempura nila.   Just like the tempira na nakakain ko sa iba pang japas na resto.

Scallop Friedrice ay ok din lang.   Parang wala lang...hehehehe

Winner sa aming lahat itong baked oyster.   Nagustuhan ko talaga ang lasa at masarap talaga siya.

Naubos naman naming lahat ang aming in-order.   Hindi na kami nag-dessert komo busog kami sa lahat ng aming kinain.

At komo Valentines Day nga, may special give away silang ibinigay sa bawat table na guest nila.

Total bill ay kulang lang sa 2k para sa aming tatlo na kumain.   Para sa akin parang mahal ito.   Kung baga, parang bitin o lugi sa sarap ang aming binayaran.

Siguro hindi lang naging ganun kasarap ang mga dish nila koo maraming tao na kumain sa kanila.   Medyo late na kasi kami naka-kain kaya siguro ganun.   Hehehehe.

After ng aming dinner nag-enjoy naman kami sa mcdo brewed coffee at movie ni Bruce Willis.   hehehehe.   Nakauwi kami mag-2am na....hehehe.   Pero enjoy naman kahit napuyat.  hehehehe

Till next Valentine.. ;)




-->




Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy