BEEF KARE-KARE with COCONUT MILK


Isa sa mga paborito kong dish ay itong kare-kare.   Gusto ko kasi yung sarap ng sauce nito at yung sinasabayan mo pa ng bagoong alamang.  Hindi kumpleto para sa akin kare-kare kung walang bagoong.   Hehehehe.

Sa panahon ngayon madali na ang pagluluto ng kare-kare.   Marami na din kasing kare-kare mix na available sa market ngayon.   So igisa at palambutin mo lang yung karne o manok na ihahalo at ilagay mo ang mix na ito ay meron ka nang masarap na kare-kare.

Bagamat ganun lang kasimple ang pagluluto nito, yung iba ay nilalagyan ng twist para mas lalo pang mapasarap ang sauce nito.   Kagaya ng aking Tiya Ineng sa Bulacan, nilalagyan niya ng gata ng niyog ang sauce at tunay nga na mas lalo pa itong sumarap.

Ganun ang ginawa ko sa Beef Kare-kare na ito na niluto kong nitong nakaraang araw.   Instant kare-kare mix din lang ang ginamit ko at pagkatapos ay nilagyan ko ng kakang gata.   At lalo ngang sumarap ang dati nang masarap na kare-kare.   Try nyo din.


BEEF KARE-KARE with COCONUT MILK

Mga Sangkap:
1 kilo Beef (cut into cubes) or Twalya ng Baka 
1 sachet Mama Sitas Kare-kare Mix
1 cup Kakang Gata
Pechay
Talong 
Sitaw
Puso ng Saging
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 tbsp. Canola Oil
Salt to taste
Bagoong Alamang

Paraan ng pagluluto:
1.   Palambutin muna ang karne ng baka o twalya sa kaserolang may tubig at asin.
2.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
3.   Ilagay na agad ang pinalambot na baka at lagyan ng sabaw ng pinaglagaan nito depende sa nais nyong dami ng sauce.   Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
4.   Ilagay na ang kare-kare mix, sitaw at puso ng saging.   Kung malapit nang maluto ang sitaw ay saka ilagay ang talong.
5.   Ilagay na ang kakang gata at pechay.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.   Dapat hindi masyadong maalat dahil may bagoong pa on the side.

Ihain habang mainit pa na may kasamang bagoong alamang.

Enjoy!!!



-->





Comments

J said…
Susubukan ko yan... marami akong kare-kare mix dito eh hehehe.
Dennis said…
Alam mo J...mas sumasarap ang kare-kare pag nilagyan mo nga ng gata. Tried and tested na yan..... Yes...try it.
Anonymous said…
hi..i saw this recipe of yours copy by ABC 5 good morning club..copy tlga..lahat..pero sinulat nman nila ang source..sana binayaran kayo..kasi recipe mo eto..opinion ko lng po eto kuya
Anonymous said…
nkita ko po sa facebook account nla
Dennis said…
Thanks Anonymous....pwedeng makuha yung exact link sa FB.....salamat
Dennis said…
Salamat sa pagbibigay ng info friend....Nag-message na ako sa FB page nila. Di naman talaga dapat na ganun. Kinopya na nila yung recipe at procedure...di man nila nilagyan yung pangalan ng blog. Yes dun sa kare-kare nandun nakasulat yung source ng picture...pero din sa isang pang recipe...yung tinolang manok na may pakwan...totally walang nakalagay na pangalan ko at binago pa nila yung pangalan ng dish. Haaayyy...nakakalungkot ang ganyan.

Dennis

Anonymous said…
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=451998378209055&set=a.308336709241890.71161.270242539717974&type=1&theater
Anonymous said…
that is the link sir dennis..e search po sa yutube din pra mkita yong episode na air nila ..hndi kopa n search...ill send pg ma search ko
Anonymous said…
i will try this for my husband, surely he will love this. thanks at makakapagluto narin ako ng kare kare on my own. :)
Dennis said…
For sure magugustuhan yan ng husband mo....Thanks

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy