CHICKEN ARROZ CALDO with EGG


Hindi ko alam kung sa mga kastila natin namana itong masarap na arroz caldo na ito.   Arroz kasi is the spanish term for rice at caldo naman ang ibig sabihin ay soup.   So, Rice Soup ito siguro in English.   hehehehe.   Sa kagaya ko na tagalog, nilugawang manok ang tawag namin dito.   Masarap ito lalo na kung bagong luto at kung medyo malamig ang panahon.

Sa mga Intsik congee ang tawag dito.   At kagaya ng sa mga Tsino, marami din ang inilalagay nila dito para lalo pang sumarap.   Kagaya ng manok, baboy, baka, tokwa at marami pang iba.   Yun lang, ang lugaw o congee ng mga Tsino ay medyo matabang.  Kung baga, bahala ka na sa ilalahok mo dito para magkalasa.  Hindi katulad ng arroz caldo o yung nakasanayan nating lugaw na gisado sa luya, bayang at sibuyas.   Para sa akin, mas gusto ko ito kaysa sa lugaw ng mga Intsik.   hehehe


CHICKEN ARROZ CALDO with EGG

Mga Sangkap:
4 pcs. Whole Chicken legs (cut into serving pieces)
2 cup Japanese Rice o Malagkit na bigas
5 pcs. Hard Boiled Eggs
2 thumb size Ginger (sliced)
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
Spring Onion (chopped)
1 pc. Knorr Chicken cubes
Salt to taste
2 tbsp. Canola oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Ilagay na agad ang manok at timplahan ng kaunting asin.  Haluin at hayaang masangkutsa.
3.  Kung nasangkutsa na, hanguin ang manok at ilagay ang japanese o malagkit na bigas.   Lagyan ng tubig at hayaang kumulo.   Haluin palagi para di manikit sa bottom ng kaserola ang bigas.   Lagyan ng tubig kung kinakailangan.
4.   Kung malapot na at durog na durog na ang bigas, maari nang ilagay muli ang manok sa lugaw.
5.   Timplahan ng knorr chicken cubes o maggie magic sarap.   Tikman at i-adjust ang lasa.
6.   Kung sa tingin ninyo ay tama na ang luto at lapot ng lugaw, maari nyo nang ilagay ang chopped spring onion.
7.  Maghango sa isang bowl at lagyan ng ilagang itlog sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!



-->






Comments

J said…
Perfect pagkakaluto mo ng hard boiled egg kuya!
Dennis said…
Hehehehe....wala yung black ring sa yolk....hehehe...tsamba lang. Thanks J

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy