CHICKEN CURRY - Coconut Milk or Evaporated Milk?



Tuwing umaga habang naghahanda ako sa pagpasok sa opisina, nanonood ako ng morning show na Umagang kay Ganda.   Bukod sa news, yung portion tungkol sa pagluluto ang gustong-gusto kong panoorin.   Marami kasi din akong natututunan dito at may mga tips din sila na ibinibigay.

Nitong nakaraang araw, nagluto sila ng fried tilapia na may curry sauce.   Isa sa mga tip nila ay kung evaporated milk ang ilalagay sa sauce ng curry o yung coconut milk.   Pwede naman daw kahit alin, although mas malasa at masarap kung gata ng niyog an ilalagay.   Sa mga asian countries kagaya ng Pilipinas, gata ang madalas isama sa lutuin na may curry.   Sa mga bansa naman sa Amerika o Europa, cream o evaporated milk naman ang nilalagay.

Sa chicken curry dish na ito na niluto ko, evaporated milk ang ginamit ko, nakalimutan ko kasing bumili ng gata ng niyog sa palengke.  Pero okay lang, masarap naman din ang kinalabasan ng aking chiken curry na ito.   Try nyo din po.


CHICKEN CURRY - Coconut Milk or Evaporated Milk?

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into bite size pieces)
1 tbsp. Yellow Curry Powder
1 small can Alaska Evap (yung red label)
1 large Carrot (cut into cubes)
2 medium size Potato (cut into cubes)
1 large size Red Bell Pepper (cut into cubes)

2 tangkay Lemon Grass or Tanglad (yung white portuion lang, pitpitin)
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
2 tbsp. Canola Oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at tanglad sa mantika.   Halu-haluin
2.   Isunod agad ang manok at timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaang masangkutsa.
3.  Isunod na agad ang patatas, carrots, red bell pepper at curry powder. Haluin..takpan at hayaang maluto ang patatas.
4.   Ilagay na ang evaporated milk at maggie magic sarap.   (Hayaan ng ilang minuto)
5.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!



-->



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy