FRIED CHICKEN FILLET with HONEY-OYSTER SAUCE GLAZE


Never ko pa na-try na paghaluin ang honey bee at oyster sauce para gawing sauce.   Madalas hinahalo ko ang honey sa lemon o kaya naman ay calamansi.   Masarap talaga pag pinagsama ang mga ito.  

Nitong nakaraang araw na nagluto ako ng fried chicken fillet, nag-iisip ako kung anong sauce o dip ang pwede kong gawin.   Wala naman akong calamansi o lemon.   Kung barbeque sauce naman, parang nung isang araw lang ako gumamit nun.   Hanggang sa makita ko itong bote ng oyster sauce na binili ko lang nitong huling pag-go-grocery namin.   Naisip ko lang, bakit hindi ko ito ihalo naman sa honey bee.   Kapag gumagamit ako ng oyster sauce nilalagyan ko ng konting brown sugar at mas lalo itong sumasarap.   Kaya sa tingin ko swak ang pag-combine ng honey bee at oyster sauce.   At tama ako, masarap nga ang kinalabaan ng honey-oyster sauce glaze na ginawa ko.   Hehehehe.   Try it also.


FRIED CHICKEN FILLET with HONEY-OYSTER SAUCE GLAZE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (skin on)
Salt and pepper to taste
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
1 cup Cornstarch
1/2 cup Flour
Cooking oil for frying
For the glaze:
1/2 cup Pure Honey Bee
1/2 cup Oyster Sauce
1 thumb size grated Ginger
5 cloves minced Garlic
1 small Onion (finely chopped)

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang chicken fillet.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Ilagay ang harina, cornstarch at chicken fillet sa isang plastic bag.   Isara ang plastic bag at alug-alugin ito hanggang sa ma-coat ng breadings ang lahat ng piraso ng chicken fillet.
3.  I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa iang lalagyang may paper towel.
4.   Bawasan ang mantika sa kawali at magtira lamang ng mga 2 kutsara.
5.   Igisa ang luya, bawang at sibuyas.
6.  Ilagay na agad ang oyster sauce at honey bee.   Halu-haluin.   Dapat mahina lamang ang apoy para di masunog ang honey.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.  Ibalik sa kawali ang piniritong chicken fillet.   Haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng piraso ng chicken fillet.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!




-->





Comments

J said…
Ayos talaga ang mga experiment mo, kuya! Lagi masarap kinalalabasan. Suwerte ng family mo = lagi busog at ang food ay cooked with love!
Dennis said…
Hehehehe. Thanks J. Yun naman talaga ang ultimate goal ko nung sinet-up ko ang food blog na ito. #1 para sa pamilya and #2 para makapag-share ng aking alam sa pagluluto. I hope nakakatulong talaga ito sa marami. hehehe

Regards,

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy