GARLIC BANGUS ala JOLLIBEE


Tuwing dumarating ang mga panahon ng Mahal na Araw, maging ang mga restaurant o mga sikat na fastfood ay naglalabas o nag-o-offer ng mga pagkain na hindi karne nha tamang-tama sa panahon.  May mga Tuna Burger o kaya naman ay tuna Steak.   Ang Jollibee, mayroon naman sila nitong Garlic Bangus Steak.   I think fried daing bangus siya na nilagyan ng barbeque o steak sauce at binudburan ng toasted garlic bits.   Sa picture pa lang ay mukhang masarap na talaga ang fish dish na ito.

Sa totoo lang, hindi ko pa na-try kainin ito sa Jollibee kaya di ko masasabi na nagustuhan ko o nasarapan ako.   Ang ginawa ko na lang ay ginaya ko ito sa bahay sa nabili kong 2 pirasong boneless na daing na bangus.   Nagustuhan ko ito at maging ang aking mga anak.   Ito ang sinasabing nangingilin ka sa karne, pero hindi sa sarap ng kinakain.   hehehehe.   try nyo din po.


GARLIC BANGUS ala JOLLIBEE

Mga Sangkap:
2 pcs. Boneless Daing na Bangus
3 tbsp. Mirin
salt and ground black pepper
For the sauce:
3 tbsp. Canola oil
1 head minced Garlic 
1 thumb size grated Ginger
1 small Onion (finely chopped)
1/2 cup Sashimi Soy Sauce
2 tbsp. Mirin
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
1 tsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang daing na bangus sa asin, paminta at mirin.   Hayaan ng mga 30 minuto hanggang 1 oras.
2.   I-prito ito sa medium na lakas ng apoy hanggang sa maluto pumula ang side na laman ng bangus.
3.  For the sauce:   Sa isang sauce pan, i-prito ang bawang sa mantika hanggang matusta at pumula.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.   Sunod na igisa ang luya at sibuyas.  
5.   Ilagay na ang Mirin, Sashimi Soy Sauce, brown sugar, asin, paminta at 1/2 tasang tubig.   Halu-haluin at hayaang kumulo.
6.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.  Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.   Lagyan ng tubig kung kinakailangan pa depende sa nais na lapot.
8.   Huling ilagay ang sesame oil.

Ihain ang daing na bangus at lagyan ng sauce na ginawa at toasted garlic bits sa ibabaw.

Enjoy!!!!




-->


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy