GINISANG AMPALAYA na may SARDINAS


Hindi ganun karami ang kumakain ng ampalaya.   Siguro dahil sa pait na lasa nito. hehehe  Pero ako (komo diabetic...hehehe)   kahit noong bata kami ay kumakain naman kami nito.   Pangkaraniwang luto nito ay guisado na hinahaluan ng hipon o kaya naman ay karneng baboy.   Yung iba, hinahaluan lang ito ng binating itlog at yun na.  Ayos na ayos ito na may kaulam na piniritong isda.   Tama para sa mga Mahal na Araw.

Nitong huling beses na nagluto ako ng ampalaya, itlog lang din sana ang ilalahok ko.   Pero nung nakita ko yung natirang ginisang sardinas na ulam namin nung breakfast, naisip ko na bakit hindi ko ito ihalo nga sa ampalaya para hindi masayang.   At yun nga, nito ko lang nalaman na masarap din pala ang sardinas sa ampalaya.


GINISANG AMPLAYA na may SARDINAS

Mga Sangkap:
1 pc. medium to large size Ampalaya (sliced)
1 small can Sardines in tomato sauce
1 medium size Tomato (sliced)
1 medium size Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Canola or Olive oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.   Halu-haluin.
2.   Ilagay na agad ang ampalaya at sardinas at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.
3.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
4.   Hanguin sa isang lalagyan kung luto na ang ampalaya.   Huwag i-overcooked.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!




-->


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy