HUWEBES SANTO: ISANG PAGNINILAY.....

Hindi ko na matandaan kung anong year nung mangyari sa akin ang isang karanasan na hindi ko malilimutan habang ako ay nabubuhay.   Ang pangyayari na nagbigay sa akin ang magandang aral na hanggang ngayon ay akin pa ring ginagawa.

Maraming tao ang ginagawang outing o pagkakataon na magbakasyon ang mga mahal na araw.   Marami ay nagpupunta sa mga beach o yung iba naman ay nag-a-out of the country pa.   Katulad din noong magyaya ang aking mga kaopisina na mag-bakasyon sa La Union at Baguio.

Miyerkules Santo ng umalis kami ng Maynila.   Gamit ang isang ford pierra na sasakyan, dumiretso kami ng San Fernando, la Union para sa una at pangalawang araw ng aming bakasyon.   Kina-Biyernesan o Biyernes Santo, umakyat naman kami ng Baguio.   Marami ding tao sa Baguio nung mga panahong yun...mga nagbabakasyon din.

Sa bandang hapon tumulak na kami pauwi pabalik ng La Union.   Tinahak namin ang Marcos Highway.   Dahil sa pagod, nakatulog ako sa bandang likod ng saksakyan.   Nagulat na lang ako nang magkagulo at nagsisigawan ang aking mga kasamahan sabay sa pag-alog ng sasakyan.   Nawalan pala ng preno ang aming sasakyan at natapat pa sa matarik na palusong ng daan.   Nang ipaalam nga ng driver na nawalan sila ng preno, nagsigawan ang mga kababaihan sa takot na katapusan na namin ang mga oras na yun.   Sa kabutihang palad at sa presence of mind ng driver, nagawa niyang isalpok ang sasakyan sa bunton ng buhangin sa gilid ng bangin na may ginagawang bahay.   Sa kabutihang palad hindi nagtuloy-tuloy sa bangin ang aming sinasakyan at wala naman sa amin ang nasaktan.

Ngatog ang tuhod naming lahat ng bumaba kami ng sasakyan.   Akala talaga namin ay katapusan na namin ng mga oras na yun.  Sabi nga ng isa kong kasamahan, pangalawang buhay na namin yun at ingatan na namin.

Mula noon, naging aral sa akin na ipangilin ang mga Mahal na Araw.   Pwede namang mag-outing o mag-beach ng ibang araw, kung baga gamitin natin ang mga araw na ito sa pagninilay at panalangin sa ating Panginoon.   Ilang araw lang naman ang mga ito kumpara sa mga araw na ibinibigay niya sa atin sa buong taon.

Nawa ay maging makabuluhan para sa ating lahat ang mga Banal na Araw na ito.

AMEN

Comments

J said…
Kuya... those experiences are really the best teachers. Tama ka - ipagnilay natin ang linggong ito.
Anonymous said…
salamat sa message..yes its true dapat tlga e observe ang holy week..dapat set aside muna yong beach,party2x..masait lng kasi ngawa ng tradisyon ntin pinoy mg outing sa holy week.sad..
salamat ng marami sa iyong mensahe.GOD bless
Dennis said…
Thanks J....Happy Easter to you and your family...
Dennis said…
Thank Anonymous....Happy Easter!!! pakilala ka naman....

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy