JAMES GRADUATION DAY TREAT


Last Saturday March 23 ay nag-graduate sa Elementary ang pangalawang kong anak na si James.   Nagkaroon ng misa sa umaga at 4pm naman ng hapon ay ginanap ang graduation proper.

Nagpapasalamat ako sa Diyos at nairaos namin ng aking asawa kahit papaano ang kanyang 6 na taon na pag-aaral sa elementarya.   At eto isang panibahong hamon naman ang pagpasok niya sa Grade 7 o high school.


Bilang treat na din namin sa aking anak, ay dinala namin siya after ng graduation sa isang restaurant sa Shangri-la Plaza sa may Crossing ng Mandaluyong City.  Gusto sana niya ay isang buffet na dinner kaso wala kaming mahanap na resto.

Pinili na lang niya itong isa resto na nagse-serve ng mga steaks, ribs at burgers.   Ang Tender Bob's (Uy!   free advertisement ito ha...hehehehe)

Inumpisahan namin ang aming pagkain sa isang fresh green salad na may mango, shrimp at crab sticks.   Masarap siya at nagustuhan ko talaga ang dressings.

Sunod naman ay ang chicken Tenders na pinili ng aking anak.   Malalaki ang cut ng bawat piraso at nagsobra pa nga sa aming tatlo.   Walang masyadong special sa dish na ito pero pwede na.   May kasama nga din pala itong potato fries na ang hahaba ng strips.   siguro giant potato ang ginamit dito.   Hehehehe


Hindi ako nag-order ng beef na steak.   Medyo may presyo kasi at limited lang ang aking budget.   nakuntento na lang ako dito sa porkchops steak na 2 pcs. ang per serving.   PInaghatina na lang namin ito ng aking asawang si Jolly.

Nagustuhan ko ang porkchops steak na ito.   Masarap, malasa, very tender at gustong-gusto ko yung gravy na inilalagay.   May kasama din pala itong mash potato, buttered veggies and corn.

Burger naman ang in-order ng aking anak.   2 ang patties nito at juicy na juicy na ito talaga.   may kasama din itong fries on the side.

Ito lang ang kinain namin that night and it cost me almost P1,500.   Okay na din espesyal naman ang okasyon at para ito sa aking anak.

Di na pala nakasama yung 2 ko pang anak na sina Jake at Anton dahil nasa province na sila that day.

We end the night almost 10:30pm na at we really need to go sleep dahil uuwi pa kami ng province para naman sa Holy Week.


Comments

J said…
Congrats, James! Enjoy the summer... panibagong challenges naman ang tatahakin mo sa high school!
Anonymous said…
soo happy with your family accomplishment..God is good
Dennis said…
Thanks J.....:)
Dennis said…
Thanks Anon....pakilala ka naman :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy