LINGGO ng PALASPAS

Ngayong araw ay ang Linggo ng Palaspas.   Sa mga Kristyanong Katoliko na tulad ko, ito ang simula ng mga Mahal na Araw o ang linggo ng pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesus para tubusin tayo sa ating mga kasalanan.

Noong araw natatandaan ko, Sabado pa lang bago mag-palaspas ay busy na kami para gumawa nga ng palaspas.   Ito ay mula sa murang dahon ng puno ng niyog na nilalagyan pa ng dekorasyon at dinadala sa simbahan para mabendisyunan.

Ganito din ang ginawa ng mga naunang tao noong panahon ni Hesus.  Noong magsimula ang kanya sakripisyo para sa atin, pumasok siya sa Herusalem sakay ng isang asno at sinalubong siya ng maraming tao na may dalang mga dahon at tangkay ng puno at iwinawasiwas habang dumadaan si Hesus.   Ang iba naman ay naglalatad ng kanilang mga balabal sa daraan ni Hesus.   Ito ay pagpapakita ng mga taong yun ng kanilang paggalang at pagpupuri sa inaasahan nilang Mesias.

At sa Linggo ng Palaspas na ito, ipakita din natin ang pagmamahal sa kanya hindi lamang sa pagwasiwas ng palaspas kundi sa pagsunod sa kanyang mga utos at pagtulong sa ating mga kapwa na nangangailangan.

Nawa ay maging makabuluhan ang ating mga Mahal na Araw na ito.

Amen.....

Comments

J said…
Happy Resurrection Day, in advance Kuya!

Kanina, sa church service ay nalaman namin na ang salitang "Easter" pala ay hango sa pangalan ng isang Pagan goddess na si "Eostre". Kaya tina-try ko baguhin ang greetings ko, pero nakasanayan na talaga ang "Easter" diba? :-)
Dennis said…
Ako naman "Maligayang Pasko ng Pagkabuhay" although mahaba...I think mas tama kung ganito.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy