LUMPIANG SINGKAMAS

Kapag ganitong panahon ng mga Mahal na Araw o Semanta Santa, nangingilin talaga kami o umiiwas muna sa pagkain ng karne lalo na kung araw ng Biyernes.   Well, okay na din ito, bukod sa healthy naman ang mga gulay makakaiwas ka pa sa taba ng karne na masama sa ating katawan.   Hehehehe

At sa mga panahon ding ito ay sagana ang mga pagkain kagaya ng singkamas.  Ayos na ayos ito na papakin o i-snacks lalo na sa init ng panahon.   Matubig kasi ito at nakakabusog din sa mga nagda-diet.   hehehehe.

Itong agad Lumpiang Singakamas ang naisip kong gawin sa isang tali ng singkamas na nabili ko nitong isang araw.   Taman-tama kako at diet kami sa karne.   Ang ginawa ko na lang, sinahugan ko ito ng tokwa at yung natirang steamed chicken na niluto ko.   Masarap ang lumpiang ito.   Lalo na kung may maraming dinikdik na mani at bawang ang sauce...hehehehe


LUMPIANG SINGKAMAS

Mga Sangkap:
3 pcs. large size Singkamas (balatan at hiwain na parang palito ng posporo)
2 cups Hinimay na Pitso ng Manok
1 block Tokwa (hiwain ng pa-cubes)
1 pc. medium size Carrot (hiwain din na kapareho ng laki ng singkamas)
1/2 cup Chopped Kinchay
3 tbsp. Oyster Sauce
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying

 For the Sauce:
2 tbsp Cornstarch
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Brown Sugar
1 head minced Garlic
Salt and pepper to taste

For Garnish:
Minced Garlic
Dinikdik na Mani

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali, i-prito ang tokwa hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang lalagyan.
2.   Bawasan ang mantika sa kawali at magtira lamang ng mga 2 kutsara.
3.   Igisa ang bawang at sibuyas.
4.   Sunod-sunod nang ilagay ang carrots, singkamas, nilutong tokwa at hinimay na manok.
5.   Timplahan ng oyster sauce, maggie magic sarap, asin at paminta.  Hau-haluin.   Huwag i-overcooked.   hanguin sa isang lalagyan, ilagay ang ginayat na kinchay at hayaang lumamig.
6.   For the sauce:  Tunawin ang ang cornstarch sa 2 tasang tubig.  Ihalo na din ang brown sugar, bawang, toyo konting asin at paminta.
7.   Isalang ito sa apoy at haluing mabuti.   Maaring lagyan pa ng tubig hanggang sa makuha ang tamang lapot.
8.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.   Ang sala nito ay yung parang sauce ng fishball na natitikman natin.
9.  To assemble:   Kumuha ng balat ng lumpia at lagyan ng tamang dami lamang ng nilutong ginisang singkamas.
10.   Balutin at ilagay sa isang lalagyan.
11.   Lagyan ng sauce na ginawa sa ibabaw at budburan ng dinikdik na mani at bawang.

Ihain ng may ngiti sa labi.

Enjoy!!!!



-->







Comments

J said…
Gusto ko gawin ito pero baka ako lang ang kumain... ang singkamas dito ay "jicama". Di ko alam kung yun nga yun, pero magkamukha at magkalasa sila eh! :-)
Dennis said…
Ang key sa masarap na lumpiang sariwa ay nasa sauce. So kung tama ang magagawa mong sauce tiyak kong magugustuhan din ito ng pamilya mo. Don't forget yung mani at minced garlic on top.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy