PORK BROCCOLI


Ang Beef Broccoli ang isa sa mga top viewed recipe dito sa food blog kong ito.   Bukod sa beef, nakagawa na din ako ng ganito gamit naman ang manok.   Masarap naman lahat ang kinalabasan kaya hindi na ako magtataka kung ang pork version nito ay masarap din.

Ganun ang ginawa ko sa 1/2 kilo ng pork na nabili ko na hiwa na nang maninipis.   Yung parang pang-tocino na ang hiwa.   Yung luto na yun agad ang naisip ko nang makita ko ang thinly sliced pork na ito na bili ko nitong huling beses akong mag-grocery.

Tamang-tama din naman at hindi naman ganun kamahal ngayon ang broccoli.   Bumili ako ng 1 head na nagkakahalaga ng P65 pesos.   Ayos-na ayos kako ito sa 1/2 kilo ng pork na lulutuin ko.   Nakakatuwa dahil hindi ako nabigo na inaasahan kong lasa ng dish na ito.  Masarap, malasa at mapapakain ka talaga ng marami.   Hehehehe


PORK BROCCOLI

Mga Sangkap:
1/2 kilo Thinly sliced Pork Kasim or Pigue (hiwain sa nais na laki)
500 grams Broccoli (cut into serving pieces)
1/2 cup Oyster Sauce
3 tbsp. Mirin
1/3 cup Sashimi Soy Sauce or Ordinary Soy sauce
1 tsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
Salt and pepper to taste
3 tbso. Canola Oil
1 tsp. Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kawali i-prito ang karne ng baboy sa kaunting mantika hanggang sa mawala lang ang pagka-pink ng karne.   Timplahan ng kaunting asin at paminta.
2.   Samantala, isalang ang broccoli sa microwave na may 1/2 tubig.   Lutuin ito sa loob ng 3 minuto.
3.   Igisa ang bawang at sibuyas kasama ng karne ng baboy.
4.   Ilagay na ang brown sugar, Mirin, Soy Sauce, Oyster sauce at mga 1/2 na tasang tubig.   Hayaang kumulo.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Ihalo ang nilutong broccoli.
7.   Ilagay na ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8.   Hanguin na gad sa isang lalagyan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
yummy! one of the few veggies na i love :D we usually do it with beef nga lang
Dennis said…
Me too pinkcookies...Kahit siguro i-steam lang ang broccoli at konting asin...ok na sa akin...hehehehe. Try mo din with pork...mas cheaper sa baka pero halos mag-sing sarap. Hehehehe
Anonymous said…
ano yung mirin? pwede ba i-substitute ito?
Dennis said…
Isang klase ng Japanese Soy sauce ito Cecil. Meron din nito sa mga specialty or imported section ng mga ordinaryong supermarket. Ok din lang kahit ordinary na toyo. Ibang flavor lang kasi kung mirin ang gagamitin.

Dennis
Anonymous said…
ah ok, now i know :)i'm planning to do this kasi, i love brocolli! this is one of my favorite dishes, thanks for sharing your recipe!
Dennis said…
Salamat din Cecil....:)
Anonymous said…
hi ! I'm taking hrs right now.. and we have to use all these ingredients (potato, carrot, cucumber, onion, garlic, radish, cabbage, broccoli, bell pepper and lemon) pero hindi nman sa isang dish lang .. basta ang kailangan lang mgamit namin lahat yan and magawa ung mga dishes nmin in 2 and half hour.. can you help us ?? tnx ..
Dennis said…
HIndi mo na mentioned kung ano-anoang main ingredients mo para makabuo tayo ng dish. For onion ang garlic....pwede sa basic ginisa. For carrots and cabbage pwedeng coleslaw. mas mainam talaga maymain ingredients tayo

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy