PORK STEAK ala POBRE
Looks very special di ba? Well talagang espesyal ang pagkaluto na ginawa ko sa pork steak na ito....hehehehe. Sabi ko nga palagi, kapag nagluluto ako, hinahaluan ko ito ng pagmamahal.
Pero sa totoo lang, simple lang ang ginawa kong pagluluto dito. Kahit nga siguro baguhan pa lang sa pagluluto ay kayang-kaya itong gawin. Bukod pa sa pangtkaraniwang mga sangkap din lang ang mga lahok nito.
Sa paghahanda ng masasarap na pagkain sa ating mga mahal sa buhay, hindi naman kailangan talaga na mga mamahaling sangkap. Ang pinaka-importanteng sangkap lang talaga ay walang katumbas na halaga, dahil ito ay ang pagmamahal.
Try nyo po ito.
PORK STEAK ala POBRE
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Steak (ito yung parteng baboy na parang marble ang itsura)
1/2 cup Toyomansi
8 pcs. Calamansi
2 large White Onion (cut into rings)
1 head minced Garlic
3 tbsp. Canola oil
1/2 tsp. Black ground Pepper
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt to taste
Spring Onion or Leeks to garnish
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa pumula. Hanguin sa isang lalagyan.
2. I-prito din ang onion rings hanggang sa maluto ng bahagya. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Ilagay na ang karne ng pa-layer ang ayos sa kaserola.
4. Ilagay na din ang toyomansi at timplahan ng kaunitng asin at paminta. Lagyan din ng 1 tasang tubig at takpan. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tunig kung kinakailangan.
5. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang katas ng calamansi at maggi magic sarap.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. To assemble, ilagay ang ilang piraso ng pork steak sa plato at lagyan ng piniritong onion rings at bawang sa ibabaw. Ilagay na din ang sprint onions.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
-->
Comments