SARCIADONG GALUNGGONG


Noong araw natatandaan ko pa sa aming probinsya sa Bulacan, kapag ganitong paprating ang mga Mahal na Araw, marami ang nagpapabasa ng Pasyon.   Sa pagpapabasa, nagpapakain din ang sponsor sa mga tao.   May mga pamilya din na nagpapabasa at yung iba naman ay mga kapisanan.

Natatandaan ko pa, kung hindi man dun sa kapilya kami nakikikain ay humihingi na lang kami ng ulam na handa nila.  Ang tawag dun sa paghingi ng pagkain ay pangangariton.   hehehehe.   Masaya ang naging kaugaliang ito.   Hindi lamang nagkakaroon ng pagutulong-tulong, may pagbibigayan din.

Komo nga mga Mahal na Araw ito, madalas na pagkaing inihahanda ay gulay at isda.   Madalas din ay itong sarciadong isda o galunggong ang niluluto.   Okay naman.  Isa ito sa ga paborito kong luto sa pritong isda.   Kaya naman nitong nakaraang Biyernes (nangingilin din kami sa pagkain ng karne) ay ito nga ang aking niluto para sa aming hapunan.   Masarap ito lalo na kung kinabukasan na kakainin.   hehehehe.   Try nyo din po.


SARCIADONG GALUNGGONG

Mga Sangkap:
1 kilo medium to large size Galunggong (cut into half)
1/2 kilo Tomatoes (sliced)
1 pc. large White Onion (chopped)
5 cloves minced Garlic
2 pcs. Egg (beaten)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
1 cup Cornstarch or Flour
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang galunggong ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang harina o cornstarch kasama ang galunggong.   Alug-alugin para ma-coat ng harina ang lahat ng isda.
3.   I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto.   Hanguin muna sa isang lalagyan.
4.   Sa parehong kawali, magtira lamang ng mga 2 kutsarang mantika.
5.   Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.   Hayaan hanggang sa madurog ng husto ang kamatis.   Maaring lagyan ng 1/2 tasang tubig o higit pa.
6.   Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.  Tikman at i-adjust ang lasa.
7.   Ilagay ang binating itlog at halu-haluin.
8.   Ilagay ang piniritong galunggong at hayaang ma-coat ng ginisang kamatis ang mga isda.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!



-->






Comments

Anonymous said…
sarap naman.swerte ng asawa nyo sir...keep on posting recipes po.GOd bless
Dennis said…
Salamat din....I hope you continue supporting this blog. Paki-click na lang po ng mga Ads para maka-earn ako ng points from Google.

Thanks again

Dennis
J said…
Ahahay... pede kaya ito sa fillet, kuya? Meron kasi akong tilapia fillet dito na frozen.
Dennis said…
Pwede naman J.....i-coat mo na lang ng butter yung fillet para hindi madurog pag isinama mo na sa ginisang kamatis.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy